Thursday, August 2, 2018

KAY LENI KA NA SUMUWELDO, CAGUIOA!


Image result for images for alfredo benjamin caguioa

Dapat kay Bongbong Marcos protest supervising justice Alfredo Benjamin Caguioa, KAY LENI ROBREDO NA SUMUWELDO at lumayas na hindi lang  sa naturang posisyon kundi bilang justice na rin ng Supreme Court. Sa lalong madaling panahon.

DETALYDO AT MALINAW NA MALINAW ang naging expose at paliwanag ni Attorney Glenn Chong sa kaniyang expose ng vote counting machine transmissions para sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW BAGO ang May 2016 elections. KUMPLETO rin ang ebidensiya ni Glenn tulad ng audit at transmission logs.

Pero KAHIT ISANG SALITA, WALA PANG NARIRINIG hanggang ngayon mula kay Caguioa bilang protest supervising justice.  KAHIT ISANG SALITA ng pagbatikos/kondemnasyon; rekomendasyon ng posibleng aksiyon o AGARANG HAKBANG na maaari niyang gawin upang malaman sa lalong madaling panahon ang katotohanan, o utos sa Comelec at Smartmatic na magpaliwanag.

Para bang WALANG NANGYARI para kay Caguioa.

Tulad ng MALA-SEMENTERYO niyang KATAHIMIKAN sa Pansol outing ng isang revisor ni Robredo at 24 na tauhan ng Presidential Electoral Tribunal (PET), sa napakaraming ebidensiya at plaatandaan ng DAYAAN sa mga balota at ballot box mula sa teritoryo ni Leni na Camarines Sur at mga naulat na basang balota mula sa Iloilo province.  NI ISANG SALITA MULA KAY CAGUIOA, WALA! Itama ako ninuman kung mali ako.

Sa halip na aksiyon, ano ang napala nating sambayanan na siyang gumastos sa eleksiyon at nagpapasuweldo kay Caguioa sa pamamagitan ng ating mga buwis at iba pang bayarin sa gobyerno? NEWS BLACKOUT sa manual recount ng mga boto nina Bongbong at Robredo.

Si Leni din lamang ang tanging nakikinabang sa ikinikilos mo, Mr. Justice, SA KANIYA KA NA MAGTRABAHO AT SUMUWELDO. TANTANAN          mo na ang pera ng sambayanan para sa suweldo mo at anumang benepisyo   mula sa SC.

AGRABYADO NANG SAGAD ang sambayanan sa iyo. 30





1 comment:

  1. Naku walang binatbat itong si Cagioua. Wala tayong maaasahan dyan dahil his lips are sealed with money.

    ReplyDelete