Monday, August 13, 2018

SA MGA MAY ALAM SA DAYAAN NOONG ELEKSIYON…


Image result for first senate appearance of glenn chong
GLENN CHONG EXPLAINS HIS CHEATING EXPOSE
Sa mga MAY ALAM sa dayaan noong 2016 elections, MANDARAYA MAN o INOSENTE: ILIGTAS na ninyo ang mga BUHAY AT REPUTASYON NINYO at ng mga pamilya o mahal ninyo sa buhay, ngayon pa lamang. Lalo na iyong mga empleyado o may koneksiyon sa Comelec at Smartmatic.

 
IBULGAR na ninyo ang nalalaman ninyo para mahuli at maubos agad lahat ang mga demonyong NANGWALANGHIYA sa mga boto at pera natin na ginastos noong eleksiyon. Habang tuloy-tulony na nabubulgar ang mga pandaraya at WALA pang nakakadepensa sinuman sa anumang paraan. HANGGA’T HINDI NAKIKILALA AT NAHUHULI ang mga kampon  ni Taning na utak ng dayaan, tandaan ninyo dalawa lamang ang maaaring mangyari sa inyo:

Kayong mga KASAMA SA DAYAAN, IPAPATAY KAYO at ang mga pamilya ninyo o mahal sa buhay para masiguradong HINDI NA KAYO MAKAKAPAGSALITA kung sakaling makilala kayo ng mga awtoridad at arestuhin.

Kayong mga inosente pero may alam o hawak na anuman na maaaring maging ebidensiya ng dayaan, patii reputasyon ninyo ay mawawasak at maaapekltuhan ang pamilya ninyo kung empleyado kayo ng Comelec o Smartmatic.  Kung hindi naman kayo empleyado, HABANGBUHAY KAYONG MAKOKONSIYENSIYA kapag ang mga kampon ni Taning ang nagwagi dahil hindi kayo tumulong. Lalo pa kung lalong magkaka-leche leche ang kinabukasan natin.

Alam kong delikado ang sinasabi ko pero makakatulong kayo nang HINDI NINYO KAILANGANG LUMANTAD.

Kontakin ninyo si Glenn Chong sa social media, para derecho na sa kaniya ninyo maipaliwanag ang anumang hawak o alam ninyo. Puwede rin ninyong tawagan ang opisina nina Sec. Harry Roque o Martin Andanar at magtanong kung paano ang proseso sa gagawin ninyong pagtatapat.   O kaya ay ang opsiina nina Senate President Tito Sotto o House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Komunsaulta rin kayo sa pinagkakatiwalaan ninyong kapamilya o kamaganak.  HUWAG NA HUWAG kayong lalapit o magtitiwala sa sinumang taga-Comelec o Smartmatic.

Tandaan ninyo, KINABUKASAN ng mga anak at iba pang mahal ninyo sa buhay, at ng ating mahal na Pilipinas, ang NAKATAYA sa kung ano ang TOTOONG NANGYARI noong eleksiyon 2016.30

No comments:

Post a Comment