Ngayon mo sabihing childish si Bongbong Marcos, Romy Macalintal, sa pagtanggi
nitong magmove on sa pagkatalo niya sa kliyente mong si Leni Robredo.
At kung ikaw, o kayong magamo, ay may kapal
pa rin ng mukha para gawin iyon, SIGURUHIN NINYONG KAYA NINYONG PATUNAYAN na
ang mga basa, punit-punit at hindi mabasang mga balota mula sa Naga City na
dinala sa Presidential Electoral Tribunal (PET) noong nakaraang linggo ay hindi
ebidenshya ng pandaraya. Patunayan ninyo sa pamamagitan ng EBIDENSIYA, at hindi
ng SALITA NINYO LAMANG. Sige, TIRA Macalintal. Tingnan natin ang tikas, ang galling
mo.
HINDI ESTUPIDO si Bongbong para tanggapin ang
kaniyang pagkatalo kahit na kabi-kabila na ang mga ebidensiya at senyales ng
dayaan na nabubulgar. Mga ebidensiya at senyales, Macalintal, na sa kahit isa
ay WALA KAYONG MAPATUNAYAN ni Robredo na NA WALA KAYONG KINALAMAN
At tulad ng pinuna ko sa blog na sinundan
nito:
Natural na HINDI ANG MGA BUMOTO ang NAGBASA, PUMUNIT O NAGLAGAY
sa mga kahong karton na itinuring na ballot xoes.
TERITORYO NI LENI ROBREDO ang Naga City, HINDI NI BONGBONG. Mga
local na opisyal at tauhan ng Naga City ang mga NAGBANTAY SA MGA BALOTA. Hindi
MGA TAUHAN NI Bongbong. Mula’t sapul, WALANG IBINALITA ang mga taga-Naga na may
nahuli silang mga taong labas na nakialam o nagtangkang maakialam sa mgta
balota. HINDI rin nagreport ang mga taga-Naga KAHIT KAILAN na nakita na nila
ang mga nadiskubre sa PET bago pa man dalhin ang mga balota sa Metro Manila.
Dahil kung ganoon ang ipalulusot ninuman, noon pa sana pinalabas iyon ng mga
opisyales ng Naga City o ng kampo ni Robredo.
Itama ako agad ninuman kung mali ako.
Kaya IBIG SABIHIN, kung hindi mga taga Naga City rin ay mga
taong nandoon noong 2016 election hanggang sa matapos ang bilangan ang may
kinalaman o kagagawan sa mga KAWALANGHIYAANNG NANGYARI sa mga balota. Kumontra
na ang kokontra. 30
Sinusulit yung prof. Fee niya. Kaya kahit magmkhang gago basta bayad isya.
ReplyDeletebat pinapatagal pa yan..,kita nyo nmn ang pangyayari..,stop election na dyn sa parte ng bicol.
ReplyDeleteAng dami ng ebidensiya ng dayaan, bakit dpa masentensiyahan? Wait pa ba na matapos ang term ni lenie ROBredo?! Nasaan ang hustisya para sa aming mga boto kay BBM?!!
ReplyDelete#declarevpbbm