HINDI LANG si Attorney Glenn Chong kundi pati
tayong sambayanan ang BINALEWALA, ang BINASTOS, sa pagsipot niya sa inabangan
nating lahat na hearing ng Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) kanina.
Tulad ng alam na nating lahat, WALANG
NAISAGOT O HINDI NAIPAKITA ng Comelec at ng Smartmatic na mali si Glenn sa
detalyadong pagbubulgar niya ng dayaan, lalo pa ng pre-election transmission sa
bayan ng Ragay sa Camarines Sur, noong halalan ng 2016. At sinabi na rin ni
Glenn na may mga maipapakita pa siya sana sa JCOC hearing kanina.
Ngunit tulad ng nakita ng mga supporter niya
kanina sa hearing, at ayon na rin mismo kay Glenn, MINSAN LAMANG SIYA
NAKAPAGSALITA. At iyon ay dahil kay Senate President Tito Sotto. Maiban doon,
taas siya ng taas ng kamay para sagutin o punahin ang mga nagigign pahayag ng
iba pang testigo pero HINDI SIYA PINANSIN ng presiding office na si Sen. Koko
Pimentel.
PAGBALI-BALIGTARIN MAN ANG MUNDO, MAS
IMPORTANTE pa rin sa taumbayan na malaman, MUNA, ang iba pang KAWALANGHIYAAN na
ibubulgar sana ni Glenn kesa sa detalye ng mga trabaho sa Comelec o Smartmatic.
Dahil BOTO AT PERA NATIN ANG WINALANGHIYA AT WINALDAS sa mga nangyaring DAYAAN
noong eleksiyon 2016.
Kaya’t bukod sa pagbalewala at pambabastos
kay Glenn at sa atin, isipin ninyo ito,
mga kababayan: Ngayon pa lamang, pilit nang pinatatahimik o ibinabaon salimot
si Glenn. SINO O SINO ANG MAKIKNABANG AT ANO ANG KAPALIT? At kung sakali at magtagumpay ang mga may
pakana nito, ANO ANG SUSUNOD NILANG GAGAWIN? 30
No comments:
Post a Comment