Friday, August 3, 2018

HINDI MAKASAGOT SINA LENI, MACALINTAL!



Hanggang ngayon, HINDI MAKASAGOT sina L:eni Robredo at ang kaniyang abogado na si Romy Macalintal sa ibinulgar ni Atty. Glenn Chong na early transmission sa mga vote counting machines (VCM) sa Ragay sa Camarines Sur ISANG ARAW BAGO ang May 9, 2016 elections.

Isama na rin natin ang Comelec at Smartmatic. Kilalang BALWARTE ni Robredo ang Camarines Sur.

Dati, isa o dalawang araw lamang ay AGAD NA MAY SAGOT si Macalintal sa anumang issue na makakasama kay Robredo kaugnay ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni. Pero ngayon, KAHIT ISANG SALITA ay walang masabi ang magamo. Ni hindi nila magawang sabihin na dapat, imbestigahan agad  ang nangyari sa Ragay.

KUMPLETO ang ebidenisya na pinakita ni Glenn sa Senado. At galling ang mga ito sa mismong mga record ng Comelec na isinumite doon. Na kay Glenn ang LAHAT NG KREDIBILIDAD.

Kaya’t anuman ang biglang ilabas o lumabas na atake sa kaniya mula sa kampo ni Robredo, Comelec o Smartmatic ay HINDI NA KAPANI-PANIWALA. Lalo pa kung PURO SALITA LAMANG at walang ebiidensiya, O HINDI KONEKTADO sa mga pagbubulgar niya ng dayaan noong 201t6 elections.

EBIDENSIYA, HINDI DALDAL ang pinaglalabanan, mga kababayan. HUWAG MAGPALOKO sa press release lamang, lalo pa kung WALA ITONG LAMAN.30





3 comments:

  1. Talagang pinahirapan at inaksaya lang ng mga hayop nayan ang oras ng taongbayan sa moro morong eleksyon nung 2016.

    ReplyDelete
  2. He he biro mo uwi ka pa para bumoto, pero tapos na pala election ha ha matindi to.

    ReplyDelete
  3. Pagtulog ko si Bongbong ang lamang, pagkagising ko kinaumagahan si Leni na ang nanalo🤔🤔🤔

    ReplyDelete