Higit kailanman, DAPAT NANG TANGGALIN AGAD-AGAD
si Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa bilang supervising
justice o ponente ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo. Personal
kong dasal na isama sana ito ni Chief Justice Teresita Leonardo de Castro sa
mga uunahin niyang gawin.
Sapagkat malinaw nang HINDI PATAS AT WALANG
SILBI si Caguioa bilang ponente.
LANTARAN ANG PANDARAYA AT PANGWAWALANGHIYA na
ginawa sa mga balota mula sa Naga City na dinala sa Presidential Electoral
Tribunal (PET) compound noong katatapos na weekend. Kundi BASA, PUNIT-PUNIT o
HINDI NA MABASA ang karamihan sa mga ito. Karamihan din ay nakalagay lamang sa
mga KAHONG KARTON, HINDI MAIKAKAILANG KATIBAYAN na may NAKIALAM AT NAGALIS ng
mga ito mula sa mga ballot box. Pero NI ISANG SALITA, WALANG MARINIG mula kay
Caguioa. Kahit GA-BUHOK NA AKSIYON, tulad ng paguutos ng agarang imbestigasyon,
WALANG MAKITA sa kaniya.
At mula’t sapul, walang anumang nabalitang hakbang
na ginawa si Caguioa sa marami nang pruweba at senyales ng dayaan na nadiskubre
na sa mga balota at ballot box mula sa probinsiya ni Leni na Camarines Sur.
Tulad ng mga basa o amoy kemikal na mga balota at mga balotang PRE-SHADED na sa
pangalan ni Leni.
Huwag sanang malimutan ni Chief Justice De
Castro na ang REPUTASYON NG BUONG KORTE SUPREMA, na siya ring bumubuo ng PET,
ang masisira kapag nagtagal pa si Caguioa bilang ponente ng protesta ni
Bongbong.
THEY DEFINITELY DO NOT DESERVE IT.30
Justice De castro will make a good mark that the people will not forget because she can prove that cheating has no room in our electoral system.
ReplyDeleteExactly !!!
DeleteGarapal sa kawalanghiyaan ng gumawa nito sa balota! ano pa ang kailangan na ebidensya ng dayaan ? hindi pa ba sapat ito?
ReplyDeleteDpat lng n maalis c caguioa bilang ponente s electoral protest ni bbm..biased kc sya...
ReplyDeleteDapat bigyan na ng hustisya and mga isinisigaw naming mamamayan ang katotohanan na aming ipinaglalaban.
ReplyDelete