WALA
NANG DUDA, HARI ang tingin ng mga nasasangkot sa mga NABIBISTO nang dayaan
noong May 2016 elections kay dating Comelec Chairman Andres Bautista.
KABI-KABILA
na ang BANAT na inaabot ng mga taga Comelec at Smartmatic. Lalong-lalo na si
Leni Robredo. NAPAKARAMI na ng mga NAPATUNAYANG DAYAAN --- mula sa mga binasa, preshaded,
amoy kemikal at may paso ng sigarilyong mga balota at iba mula sa Camarines Sur
na teritoryo ni Robredo, hanggang sa mga DETALYADONG PAGBUBULGAR na ginawa
sa Senado ni Glenn Chong sa
dayaang gamit ang vote counting machines.
Pero
hanggang ngayon, KAHIT ISA AY WALANG KUMIKILOS O HUMIHILING MAN LAMANG saan
mang husgado o ahensiya ng pamahalaan para PAUWIIN si Bautista mula sa ibang
bansa para MAIMBESTIGAHAN AT PAGPALIWANAGIN. Dahil tulad ng nabanggit ko sa
isang naunang ilang linggo na ang nakaraan, si Bautista ang Comelec chairman
noong 2016 elections.
KATARANTADUHAN
AT SAGARANG KASINUNGALINGAN para sabihin ninuman na WALANG ALAM O NALAMAN
anuman si Bautista sa mga naglalabasang pruweba ng dayaan. Isang halmbawa:
Hanggfang sa magresign siya ay HINDI PINALABAS O WALA NG GINAWA si Bautista para
mailabas sa publiko ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa
script ng transparency server noong gabi ng eleksiyon.
Huwag
nating kalimutan, mga kababayan, matapos ang pagbabagong iyon ay naabutan ni
Robredo ang m,ahigit ISANG MILYONG BOTONG LAMANG ni Bongbong Marcos hanggang sa
siya na ang lamanag KINABUKASAN LAMANG.
Sa
mga taga Comelec, Smartmatic at kay Robredo:
REPUTASYON ninyo ang tuloy-tuloy
nang NADUDUROG. Kung hindi pa naaapektuhan y darating at darating ang
oras na pati mga asawa at anak ninyo, magulang at kapatid ay maaapektuhan na
rin. Mas MAHALAGA pa ba ang reputasyon
ni Bautista kesa kanila?
Kung
WALA kayong kinalaman o kasalanan, o wala kayong ginawanag anumang pandaraya
noong eleksiyon, BAKIT WALA NI ISA sa inyo na kumikilos o nanawagan para pabalikin
si Bautista dito sa anumang paraan? Kung mayroon naman, huwag ninyong sabihing
hindi bale nang kayo na lanag ang maparasuhan, huwag lang si Bautista.
Inuulit
ko, mas MAHALAGA pa ba ang reputasyon ni
Bautista kesa sa mga asawa at anak
ninyo, at mga mahal sa buhay? 30
No comments:
Post a Comment