Thursday, August 9, 2018

DAYAAN NABULGAR KASABAY NG KAIPOKRITUHAN!

Image result for images for ballot boxes in manual recount
 BALLOT BOXES FROM CAMARINJES  SUR
Kung mapapansin ninyo, mga kababayan, mula nang mabulgar ang SARI-SARING DAYAAN na naganap noong 2016 elections ay kasabay ding NALANTAD ANG KAIPOKRITUHAN ng mga NAGLILINIS-LINISAN – human  rights champions at kontra korapsiyon KUNO, mga pari at madre at ang mga KASANGGA NILANG PULLTIKO.

DETALYADO AT KUMPLETO ang ebidensiya ni Glenn Chong sa ginawa niyang expose. Kakasimula pa lamang ng manual recount ng mga boto nina Bongbong Marcos at Leni Robredo ay tuloy-tuloy nang malantad ang iba;t-ibang pandaraya sa mga balota at ballot box mula sa Camarines Sur.

Bakit mas TAHIMIK PA SA SEMENTERYO sa hatinggabi kayong mga matitino.malilinis kuno? BAKIT HINDI NINYO MAMURA, MAINSULTO O MABANATAN  man lamang ang mga KAWALANGHIYAANG NAGANAP sa dayaan, at ang mga  posibleng may kagagawan?

Mga human rights champion  kuno, ang RIGHT TO VOTE ng sambayanan ang TINARANTADO ng mga mandaraya noong eleksiyon. Bakit HINDI KAYO MAKAPALAG?

Mga kontra korapsiyon.katiwalian kuno, hindi naman siguro kayo SAGAD SA KATANGAHAN para isipin man lamang na kumilos ang mga mandaraya ng walang bayad, ng libre.  At ginamit ang anumang kapangyarihan o impluwensiya na meron sila.

Mga pari at madre, KASALANANG MORTAL ang naganap na dayaan. Hindi imposibleng MILYUN-MILYONG boto ang WINALANGHIYA noong halalan. Bakit masahol pa kayo sa mga BULAG, PIPI AT BINGI na namamalimos sa harap ng mga simbahan o mga lansangan?

Kung makaporma kayo sa pagbatikos o pagakusa sa gobyerno at sa mga Marcos, daig pa ninyo ang mga tunay na sugo ng Diyos. Pero heto, LANTARAN AT MAY EBIDENSIYANG DAYAAN, HINDI KAYO MAKAALMA.  Kung hindi ninyo kayang pumarehas, TABLAN NAMAN KAYO NG KAHIT GA-BUHOK na kahihiyan at MANAHIMIK NA LANG. 30 

1 comment:

  1. maglolokohan pa ba tayo kung human rights champion kuno ang pag-uusapan? parang kabayo ng kalesa ang mga yan, me direksyon ang mga mata na nakatutok lang kay PRRD, PNP at Gobyerno. paano, me kulay ang serbisyo ng human rights kuno, kulay dilaw...

    ReplyDelete