Kay Risa Hontiveros PAGMULTUHAN KA SANA ng
mga pulis at iba pang alagad ng batas, at ng mga inosenteng sibilyan na mga
pinatay ng mga drug lord, pusher at addict. Ikaw at ang mga PARI sa Caloocan
City na pasimuno ng paglalagay ng commemorative marker para sa mga napatay na
sa anti-drug war ng gobyerno.
Pati na rin ang SAF 44 at ang mga napatay na
pulis at sundalo sa Marawi City at iba pang lugar dahil sa mga GAWAING
TERORISMO at kriminal ng New People’s
Army, Abu Sayyaf, MILF at iba pang samahan, HUWAG SANA KAYONG PATAHIMIKIN.
TODO ang pagbibigay halaga ninyo, Hontiveros,
sa mga napatay na sa anti-drug war. KAHIT NA MARAMI sa mga ito ay mismong mga
kapitbahay o kabarangay nila ang nagsasabing kilala silang mga pusher sa kanilang
lugar At hindi na mabilang ang mga ilegal na droga at iba pang ebidensiya na
nakuha ang mga pulis.
Pero iyong mga pulis at iba pang alagad ng
batas at sibilyan na PINATAY ng mga drug lord at pusher, mga pamilyang
ninakawan at babaeng GINAHASA ng mga high sa illegal na droga, mga sibilyan na napag-tripan
o nakursunadahan lang na patayin o gulpihin ng mga addict na high sa illegal na
droga, at iba pa, WALA KAYONG PAKIALAM ng mga pari.
Ni isang salita ng pakikiramay sa mga
naulila, WALA KAYO ng mga kakosa mo, Hontiveros. Ni isang salita ng dasal, o pagkilala
sa kabayanihan ng mga nasawi nang pulis at iba pang alagad ng batas, WALA KAYO.
Samantalang ang mga ito ay namatay sa pagliligtas
sa sambayanan laban sa mga DEMONYO NA NAGKAKALAT NG KADEMONYUHANG ILEGAL NA
DROGA. Sambayanang KASAMA KAYO ng mga
kakosa mong pari, at ang mga mahal ninyo sa buhay.
Kung ganiyan din lang ang takbo ng utak
ninyo, Hontiveros, HUWAG NA HUWAG KAYONG LALAPIT SA PULISYA o sinupamang
awtoridad kapag magkaka-problema kayo sa ilegaol na droga o mga pusher at drug
lord. MAHIYA KAYO KAHIT GA-BUHOK
At matanong ko lang, SAAN GALING ANG PERANG
GINASTOS sa pagpapagawa ng marker? 30
PHIHEALTH QUEEN ISAULI MO NA YONG P 1.7 BILLION PERA NG PHILHEALTH MAAWA KA NAMAN ISAULI MO YON HINDI MO PERA YON WALANG SWAPANGAN ISAULI MO PLEASE !
ReplyDelete