Wednesday, August 29, 2018

TODO-PROTEKSIYON SA DAYAAN SA CAMSUR!


Image result for images for ballot boxes from camarines sur
MGA BALLOT BOX  MULA SA CAMSUR
WALA pa ring nababalitang aksiyon hanggang ngayon sa nadiskubreng basa, punit-punit o hindi na mabasang mga balota mula sa Naga City. Walang pinapatawag para  maimbestigahan, walang sinususpinde, walang dinedeklarang simula ng anumang imbestigasyon ninuman.

WALA ring inilalabas na pahayag ang mga nangangasiwa sa recount hanggang ngayon tungkol sa kalagayan ng Naga ballots. At hindi na rin nasundan pa ang balita tungkol sa mga balota sa mga pangunahing national media.

Gayondin ang iba pang mga nadiskubreng dayaan, at mga senyales ng dayaan, sa iba pang lugar sa Camarines Sur.WALA pang nakakasuhan, nasususpinde o nababalitang inaksiyunan s aanumang paraan.

May ISANG PRESS RELEASE ilang linggo na ang nakaraan na pinagpapaliwanag na ang ilang opisyales sa mga bayang pinanggalingan ng mga nadiskubreng pruweba ng dayaan. Pero kahit isa sa kanila ay HINDI PINANGALANAN. At hanggang ngayon, WALA pang kasunod na balita kung ano na ang nangyari  WALA ring nagfollow up sa national media.

Higit sa lahat, TULOY ANG NEWS BLACKOUT sa mga nangyayari sa manual recount ng mga boto nina Bongbong Marcos at Leni Robredo. Iisa lang ang puwedeng itawag dito – TODONG PROTEKSIYON SA DAYAAN sa CamSur. 30

2 comments:

  1. dapat publicized n covered by media ang recount,,,,,to have transparency,,,people have d right to know...thats their vote,...why is it that d supreme court PET is not publicizing this recount...I SMELL SOMETHING FISHYON THIS RECOUNT...

    ReplyDelete
  2. o..nasaan mga pari..chr...LP..nasaan kayo?
    Di ba dapT ay kayo a g number one na bumatikos dyan?
    nasaan ka lenilugaw? bakit ka tahimik?
    akala ko ba eh perfectionist ka?

    ReplyDelete