Sa mga taga-Comelec: Kung WALA KAYONG BALAK
NA SAGUTIN ang pagbubulgar ni Glenn Chong sa vote counting machines transmissions
sa iba-ibang lugar ISANG ARAW PA bago ang 2016 elections, LUMAYAS na lang kayo
sa mga puwesto ninyo!
MAHIYA NAMAN KAYO SA SAMBAYANAN, NA NAGPAPASUWELDO
sa inyo mula sa mga buwis at bayarin namin gobyerno. May kahihiyan pa naman
kayo siguro kahit kapiraso.
DETALYADO ang mga ibinulgar ni Glenn, lalo na
iyong transmissions sa Ragay sa Camarines Sur. Ang mga ebidensiya ni Glenn ay mga
record na sa INYO DIN GALING! May sarili kayong computer experts at mga abogado.
PARTIKULAR na natukoy ang Ragay. Kaya kahit man lamang para sa Ragay ay hindi
kayo kailangang abutin ng WALANG HANGGAN para magpaliwanag.
Pero HINDI NINYO MASAGOT si Glenn hanggang
ngayon. Kahit INITIAL FINDINGS, wala kayong masabi hanggang ngayon.
Alin sa dalawa: ISANG TAMBAK KAYONG MGA
INCOMPETENT, MGA WALANG BINATBAT, diyan sa Comelec o MAYROON KAYONG GUSTONG
ITAGO sa sambayanan?
Anuman ang dahilan, nasa aming sambayanan ang
LAHAT NG KARAPATAN para malaman ang KATOTOHANAN! Kahit sa bangungot (nightmare),
huwag ninyong isipin na malilimutan din namin ang mga ibinulgar ni Glenn kapag
tuluyan ninyo siyang hindi papansinin. HINDI MANGYAYARI IYON, TANDAAN NINYO. Lalo
pa at WALA KAYONG MAIPAKITANG ANUMANG KREDIBILIDAD sa panig ninyo.
Kung
naniniwala pa kayo sa kabutihan at sa kaluluwa, at mahalaga pa sa inyo
ang magiging reputasyon ng mga anak, asawa at kapamilya ninyo, MAGSABI NA KAYO
NG TOTOO. Bago maging huli ang lahat. 30
Salamat boyet antonio sa walang sawa mong pagtulong sa pagpapalaganap ng katotohanan tulad ni atty. glenn na gamit ang sariling wika. madali itong mauunawaan ng ordinaryon pilipino kung paano sila ginago sa nakaraang tatlong beses na halalan.Mabuhay po kayo.
ReplyDeletemaraming salamat din sa pagtitiwala at suporta, julian. pakibanggit mo na lang, please, ang ating blog sa mga kaibigan mo.
DeletePalitan na ang Chairman ng COMELEC AT lahat ng employee's. Habang andyan pa sila hindi matitigil ang pangdaraya sa botohan.
ReplyDelete#ATTYGLENNCHONGFORCOMELECCHAIRMAN.