Friday, August 10, 2018

MALAWAKANG PAGBALE-WALA SA DAYAAN!



Para sa kaalaman ng lahat, GANITO NA KALAWAK ang NAKAKATAKOT ng PAGBALE-WALA sa mga dayaang naganap noong 2016 elections:

Halos dalawang linggo na mula nang ibulgar ni Glenn Chong sa Senado ang 459 vote counting machine transmissions ISANG ARAW BAGO ANG BOTOHAN. May mga kinatawan ang Comelec at Smartmatic Pero HANGGANG NGAYON, WALANG nababalitang nagiimbestiga na man lamang ang Comelec.

Ang media naman, HINDI FINAFOLLOW-UP ang excpose ni Glenn. Kahit na may particular nang lugar na tinukoy si Glenn, ang Ragay sa Camarines Sur. Wala man lamang nagpupuunta doon para maginterview ng mga kinauukulan o kumuha ng video.

HANGGANG NGAYON, NI ISANG SALITA ay walang naririnig mula kay Bongbong Marcos protest supervising justice Alfredo Benjamin Caguioa sa sari-sari nang pruweba at senyales ng dayaan.

NAPAKARAMI  nang pruweba ng dayaan na nakita sa mga balota at ballot box mula sa Camarines Sur. Hanggang ngayon, WALANG MASABI si Caguioa na aksiyon na ginawa na niya o ginagawa na niya.  At patuloy ang NEWS BLACKOUT sa manual recount.

Nang mabuko ni Bongbong iyong Pansol outing ng isang revisor ni Leni Robredo at 24 na tauhan ng Presidential Electoral Tribunal (PET), agad na sinabi ng kampo ni Robredo na naimbestigahan  na ng tribuinal ang nangyari at nadesisyunan na. Walang komento si Caguioa. At HINDI SINABIHAN si Bongbong.  Pero nang humingi ng investigation report si Bongbong, WALANG NAIBIGAY si Caguioa, pati na ang kampo ni Leni.

WALONG 40-footer containers na may lamang ballot boxes ang INABANDONA sa isang pribadong lote sa Tagig. Nagreport pa ang may-ari ng lote sa Bureau of Customs. Pero sa isang dyaryo lamang lumabas ang pangyayari. Matapos noon, WALA NANG ANUMANG LUMABAS O NABALITA kung ano na ang nangyari sa .mga inabandonang ballot boxes. WALA ring nabalitang pahayag o aksiyon ang Customs at ang Comelec.

Media at government agencies. Hindi lang minsan na namable-wala ng pruweba at senyales ng dayaan. Kaya ano ang PLANO sa likod ng lahat ng ito? ANO ANG KAPALIT? At kunjg MANANAL;O ang UTAK O MGA UTAK ng mga pagbale-walang  ito, KINIKILABUTAN na ako ngayon pa lamang sa KADEMONYUHANG MAARING MANGYARI SA ATING BANSA.

Kumontra na ang kokontra. 30



No comments:

Post a Comment