Wednesday, August 22, 2018

SI LENI ANG SUMAGOT, HINDI ANG ISINANGKOT


Image result for IMAGES FOR BARRY GUTIERREZ
GUTIERREZ
Sa ngalan ng patas na pagsusulat, heto ang panig ni Leni Robredo tungkol sa ibinunyag ni dating Naga City Councilor Luis Ortega na ang bayaw niyang si Butch Robredo ang protector diumano ng pagkakalat ng illegal na droga sa naturang lungsod:

Sa isang istorya sa https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/08/23/1844983/5-lugar-hotbed-ng-droga-pnp, sinabi ng spokesman ni Leni na si Barry Gutierrez na kasinungalingan ang pahayag ni Ortega. Buhay pa raw ang asawa ni Lenin a si Jessie ay DATING BALITA na ang tungkol kay Butch pero walang naipakitang ebidensiya.

Heto naman ang sa akin: BAKIT SI LENI ANG SUMAGOT, HINDI NAMAN SIYA ang isinangkot ni Ortega? SI BUTCH o ang pamilya nito mismo ang dapat sumagot, ang kumontra. Bakit DEFENSIVE si Leni?

Isa pa, DATI ang ginamit na timeframe ni Gutierrez. DATI IYON.

SA NGAYON, ano ang ebidensiya ninyo na talagang hindi sangkot si Butch sa illegal na droga? PISIKAL na ebidensiya, at hindi lang salita ninyo. Kung may pruweba kayo para sa ngayon, ilabas ninyo agad Gutierrez. Si Ortega kasi, sinabing may pruweba siya. Para MAGKAALAMAN na agad ng totoo! As in AGAD-AGAD.

Sa mga panatiko ni Leni: Manilnaw, ha, hayan ang panig niya. Wala kayong masasabing hindi ako patas. 30




No comments:

Post a Comment