Monday, October 3, 2016

KUNG HINDI KAYO DRUG LORD PROTECTORS…

Cct.3, 2016

Kanina ko lang nalaman na mayroon palang online petition na nangangalap ng 1,000 pirma kontra sa mga pagpatay na nangyayari sa kasalukuyang anti-drug war ng Duterte Government.  At sa United Nations (UN) pa daw dadalhin ang petition.  Iniimbestigahan naman ng PNP ang mga pagpatay pero daldal pa rin kayo ng daldal. Pilit ninyong pinalalabas na napakagulo na sa ating bansa. Pero KAHIT ISANG SALITA, WALA  KAYONG SINASABI  laban sa mga drug lord o pusher, na PINAGMUMULAN ng ilegal na droga na nagiging ugat ng hindi na mabilang na mga krimen.

Kaya KUNG HINDI KAYO MGA PROTEKTOR ng mga drug lord at pusher:

MURAHIN, ISUMPA O KONDENAHIN ninyo ang illegal na droga MURAHIN, ISUMPA O KONDENAHIN ninyo ang mga drug lord at pusher, lalo na yung mga nasa New Bilibid Prison (NBP)  sa patuloy nlang pagbebenta ng kanilang kademonyuhang paninda. WALA kayong masasabi na TRIAL BY PUBLICTY dahil CONVICTED na iyung mga nakakulong na drug lord. Wala rin kayong MAILULUSOT na sino ang isusumpa ninyo dahil may mga naibalita na ang pangalan ng mga ito. Murahin ninyo sila na tumigil na sa kanlang kademonyuhang negosyo at sa pagisra ng kinabukasan ng di na mabilang nating kababayabn, lalo na ang kabataan.

Tawagin ninyong mga BAYANI ang mga pulis at iba pang alagad ng batas na napatay na ng mga pusher at drug lord. Hindi lang ngayong Duterte Administration kundi maging noon pa. TUMULONG KAYO sa anupamang paraan sa paghahanap at pagaresto sa mga pusher at drug lord. At maging AKTIBO KAYO sa mga programa kontra sa ilegal na droga. Mangumbida kayo ng mga taga-media para mas maraming makaalam na kontra kayo sa illegal na droga.

Kung hindi ninyo GAGAWIN ang mga ito, magbigay kayo ng matibay na dahilan kung bakit HINDI KAYO DAPAT TAWAGING PROTEKTOR ng drug lords at pushers.30



No comments:

Post a Comment