Thursday, October 6, 2016

BAKA MAKABAWAS ITO SA TRAFFIC…

Oct. 7, 2016
BAKA MAKABAWAS ITO SA TRAFFIC…

Hindi ako nagda-drive pero magsa-suggest lang ako ng idea na baka sakaling makabawassa traffic: Subukan kayang iadjust ang oras ng pasok at uwi ng mga nag-oopisina, sa pribadong sektor at sa gobyerno?

Kasi, ang madalas iturong pangunahing pangunahing dahilan ng traffic ay ang sobrang dami na ng sasakyan. Pero ang nangyayari, halos lahat ng sasakyan ay SABAY-SABAY din ang buhos sa mga kalsada dahil higit na nakararami pa rin ang may oras ng pasok na alas-8 o alas-9 at oras ng uwi na alas-5 o alas-6.

Kung ang gawin kaya ay ganito –May papasok ng alas-8, alas-10 at alas-12. Ang uwian naman ay alas-5, alas-7 at alas-9.  Para yung mga pang alas-8 ay nasa opisina na nila, kundi man ay malapit na at wala na at hindi na makakasikip sa mga main roads na ma-traffic tulad ng EDSA pagdating ng alas-10. Ganun din ang mga pangalas-10 at alas-12.Ganun din ang mangyayari sa uwian. Nakasasakyan man o namamasahe lang, tulad ng mga pasahero ng MRT, ay hindi na magsisiksikan masyado sa kalsada o sa mha istasyon ng tren.

Kaya kung halimbawa ay mayroong 100,000 mga sasakyan sa mga kalsada pagdating ng alas-5, mababawasan ang mga ito dahil hindi sila magkakasabay-sabay.  Sa number coding kasi, bale dalawang grupo lang ng sasakyan ang kontrolado ang labas kada araw. Sa ganitong sistema, lahat ng grupo ng mga sasakyan ay makokontrol ang pagbuhos. Depende na lang sa magiging paguusap ng mga negosyante, ng kanilang mga tauhan at siguro ng gobyerno.


Inuulit ko, hindi ako driver. Pero ano sa palagay ninyo, mga kababayan?30

No comments:

Post a Comment