Oct. 5, 2016
Bago magkalimutan, DAPAT LIWANAGIN ni Antonio
Trillanes kung SAAN NANGGAGALING AT
MAGKANO NA ang nagagastos sa ginagawa niyang proteksiyon kay Edgar Matobato. Bukod sa gastos, dapat ding malinawan kung sa
gobyerno ba ang mga ginagamit sa
pagiingat kay Matobato, tulad ng mga sasakyan
at safehouse.
Nasa ating Sambayanan ang karapatan para
malaman ang lahat ng detalye dahil TAYO ANG LUGI. Kahit sabihin ni Trillanes na
sa opisina niya bilang senador nanggagaling ang gastos, sa Sambayanan pa rin GALING
IYON. Ganoon din kung gobyerno ang may-ari ng mga ginagamit ni Matobato. Kaya bale TAYO ANG NAGBABAYAD SA GINAGAWANG
PAGSISINUNGALING ni Matobato.
Saan mang anggulo tingnan, paikutin man ang mundo
ng ilang milyong beses, AGRABYADO TAYO, mga lkababayan. Lalo pa’t hanggang ngayon,
WALA PANG NAPAPATUNAYAN si Matobato sa mga sinasabi niya. Records mismo ng
Senado ang magpapakita na napakarami na ng mga kasinungalingang sinabi niya. At
LALONG HINDI TAMA at hindi puwede na WALANG HANGGANAN ang gagawing paggastos sa
kaniya, MULA SA PINAGHIRAPAN NATING BUWIS at iba pang bayarin sa gobyerno
Kung sasabihin naman ni Trillanes na mula sa
pribadong sektor nanggagaling ang gastos, dapat magbigay si Trilanes ng
detalyte sa pagkatao ng nagpopondo at ang dahilan o motibo ng taong iyun. PARA
KAPANI-PANIWALA. 30
No comments:
Post a Comment