Friday, October 7, 2016

PNOY ANTI-DRUG OFFICIALS, KWESTIYUNIN DIN!

Oct, 8, 2016
PNOY ANTI-DRUG OFFICIALS, KWESTIYUNIN DIN!

Hindi lamang si Leila de Lima ang dating opisyal ng PNoy Aquino government na dapat tanungin tungkol sa negosyo ng illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.  Dapat na ring kumbidahin sa imbestigasyon ng House of Representatives Committee on Justice ang mga dating tao ni PNoy na itinalaga niya sa mga posisyong  may responsibilidad sa illegal an droga at sa klriminalidad. Kabillang dito sina dating Executive Secretary at ant-crime czar Paquito Ochoa, dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) head Arturo Cacdac at dating PNP chief Alan Purisima.  

Ayon sa mga tumestigo, panahon ni De Lima bilang Justice secretary noong si PNoy ang presidente nang magsimula at lumawak ang bentahan ng illegal na droga sa loob ng NBP.

Kaya’t ang unang dapat ipaliwanag nina Ochoa, Cacdac at Purisima ay kung nabalitaan ba nila ang natrurang illegal na negosyo o hindi.  Kung nabalitaan nila ay ano ang ginawa nila at sino ang pangunahing kasangkot na nakarating sa kanila? Kailan sila kumilos at ano ang nadiskubre nila? Higit sa lahat, tinanong man lang ba ni Ochoa si De Lima KAHIT MINSAN, dahil biilang Justice secretary noon ay sakop ni Leila ang NBP?  Kung oo ay ano ang sinabi ni De Lima? Kung hindi naman niya inusisa ito ay bakit?

Napakahirap paniwalaan kung sasabihin naman nilang HINDI NILA NATUNUGAN IYON. MILYUN-MILYON ang intelligence budget ng naging tanggapan ng tatlong ito, may mga tauhan silang ang mismong trabaho ay maghanap ng impormasyon at nasa Muntinlupa lang ang NBP.

Panghuli, ang pangunahing trabaho ng Justice secretary ay ang kasuhan at isalang sa husgado ang mga drug lord at pusher hanggang sa ang mga to ay masintensiyah. Ang pagsugpo sa pagdami ng ilega; ma droga ay trabaho ng PDEA, PNP at ng anti-crime czar. 30



No comments:

Post a Comment