Wednesday, October 12, 2016

WALA BANG SISIGAW NG ‘STOP SELLING DRUGS!'?

Oct. 12, 2016
WALA BANG SISIGAW NG ‘STOP SELLING DRUGS!’?

May press release na naman ang isang United Nations (UN) panel tungkol sa anti-drug war ng gobyerno.  Si Leila de Lima naman ay magpapanukala ng isang batas kontra extra-judicial killings.

WALA BANG SISIGAW NG ’STOP SELLING DRUGS?’ Talaga bang WALANG AATAKE O MAGSUSUMPA sa mga drug lords at pushers? SINU-SINO ba sa inyo ang mga PROTEKTOR, ang mga NAWALAN O NABAWASAN NG KITA mula sa drug lords mula nang simulan ang giyere kontra droga ng gobyerno? Hindi na mablang ang mga PINATAY AT NAPATAY  ng driga–mga adik na na-overdose, mga inosenteng sibilyan na NAKURSUNADAHAN LAMANG ng mga adik, mga pulis at iba pang alagad ng batas na pinatay o pinapatay ng mga pusher o drug lord at iba pa. Hindi na rin mabilang ang mga NIRAPE, NINAKAWAN, NILAMOG SA GULPI at ginawa ng marami pang KADEMONYUHAN ng mga adik at pusher.

Pero sa ;lahat ng ito BULAG, PIPI AT BINGI KAYO! WALA KAYONG PAKIALAM, as in, sa KAPAHAMAKAN o PAGDURUSA na sinapit o dinanas, at mararanasan pa ng mga inosente. Pagdating sa mga BIKTIMA NG DEMONYO AT KADEMONYUHAN, MAS TAHIMIK pa kayo sa SEMENTERYO sa hatinggabi. Pero kapag iyung mga DEMONYO na ang nilalabanan daig pa ninyo ang puwit ng inahing manok, mas masipag pa kayo sa NAGLALAKO NG KAKANIIN O NANGANGALAKALNG BASURA sa paulit-ulit ninyong pagbanat sa gobyerno at mga awtoridad.  MAGKANO BA BIGAYAN MGA PARE/MARE, pwedeng malaman? SINO BA PINKA-GALANTENG MAGBAYAD?

Kung hindi rin lang kaya ng konsiyensiya ninyo (iyun ay kung meron pa kayo) na pati buhay at karapatang pantao ng mga biktima ng droga ay ipaglaban ninyo, sana naman ay KAHIT GA-TULDOK NA KAHIHIYAN AY MAYROON PA KAYO para manahimik na lang.  Pero kung UBOS na tin ang kahhiyan ninyo, patawarin ako ng Diyos pero mga mahal ninyo sa buhay sana ang sumunod na mabiktima ng droga.30






No comments:

Post a Comment