Tuesday, October 11, 2016

DAPAT IPALIWANAG NI LENI ANG NAGASTOS NIYA!

Oct. 12, 2016
DAPAT IPALIWANAG NI LENI ANG NAGASTOS NIYA!

INAMIN na rin  lang niya na wala siyang ginawa sa unang 100 araw niya kundi MAKINIG sa mga taong dinatrnan niya sa mga lugar na pinasyalan niya, DAPAT MAGLABAS si Leni Robredo ng DETALYADONG KUWENTA ng  mga nagastos na niya. At HINDI  na siya dapat payagang pumunta sa ibang lugar pa, o MAHIYA NAMAN SYA, kung MAMAMASYAL lamang siya at WALANG IBUBUNGANG  solusyon o anumang bagay na makakatulong  sa taumbayan.

Pera ng Sambayanan ang ginagastos ni Leni bilang Bise-Presidente at chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council. HINDI SARILI NIYANG PERA. Kaya’t atin ang lahat ng KARAPATAN para malaman kung MAGKANO INABOT ang pamamasyal at pakikinig niya sa mga residente ng pinuntahan niya.


At ang pinaka-importante, DAPAT NA MAGPALIWANAG si Leni sa Sambayanan kung bakit KAHIT ISANG ACCOMPLISHMENT AY WALA SIYA sa loob ng 100 araw ng panunungkulan niya. HINDI OBLIGASYON ng taumbayan nna gastusan ng walang katapusan ang pamamasyal at pakikipagkuwentuhan niya.30

No comments:

Post a Comment