Oct. 3, 2016
Mayroong DAPAT IPALIWANAG SA LALONG MADALING
PANAHON si Noynoy’ ‘PNoy’ Aquino at sinumang mga dati niyang opisyales. SAAN
NAPUNTA ANG TRILYON-TRILYONG PISONG INUTANG AT KINITA ng kaniyang administrasyon?
KIKILABUTAN KAYO DITO, mga kababayan.
Nang matapos ang PNoy Administrasyon, P6.4 trilyon ang utang ng bansa. Pero
sa halagang ito, P4.16 TRILYON ang inutang ng ADMINISTRASYON NIYA LAMANG. Hindi
ng ibang gobyerno. KAY PNOY LAMANG! Ngayon, isipin ninyo itong mabuting mabuti:
Umabot sa P4.16
TRILYON ang utang na ginawa ng PNoy Administration pero TULUY-TULOY ang naging
koleksyon ng buwis noong gobyerno niya. KAHIT MINSAN, HINDI SINUSPINDE NI PNOY
ang tax collection. TULUY-TULOY din ang mga sumusunod:
Koleksyon ng sari-saring
bayarin o kontribusyon sa Bureau of
Customs, SSS, GSIS, mga local at international airports, road users’ tax at mga
sari-saring bayarin sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, tulad ng LTO at OWWA.
Idagdag pa dito ang kita ng mga kompanya na pagaari o kontrolado ng gobyerno,
tulad ng Pagcor at PCSO. At ang kinikita mula sa investments ng SSS at GSIS, at
ng iba pang ahensiya ng gobyerno kung mayroon man, sa iba’t-ibang negosyo. At huwag nating kalimutan, mga kababayan, ang kinikita
din ng gobyerno mula sa Malampaya Fund at iba pang katulad nito.
Tiyak na hindi
pa kumpleto ang mga nilista ko, mga kababayan. Pero DAAN-DAANG BILYON, KUNDI
MAN TRILYON, ang kinita ng PNoy government noon. Kaya angf tanong: BAKIT
KINAILANGAN PA NILANG UMUTANG NG P4.16 TRILYON, sa kabila ng kaliwa’t-kanang
pinanggagalingan ng pera ng pamahalaan? SAAN NAPUINTA, nasaan ang detalyadong
kuwentada, ng kinita ng PNoy Government? At SAAN NAPUNTA iyong P4.16 TRILYON?
Tandaan ninyo,
mga kababayan: TAYONG LAHAT ANG MAGBABAYAD ng P4.16 TRILYON, hindi lamang si
PNoy o ang mga bata niya. 30
Correct.. Ang mga hindi pa ipinapanganak eh may utang na agad na 60,000?! Ano bang naimprove sa Pnoy Admin? Walang iba kundi mga BULSA nila! Ultimo bulsa de relo nila may limpak-limpak na pera!
ReplyDelete