Friday, October 7, 2016

KIDS, PAALALA LANG ON DE LIMA…

Oct. 7, 2016
KIDS, PAALALA LANG ON DE LIMA…

Nagiikot pala si Leila de Lima sa mga unibersidad o kolehiyo upang ipaliwanag ang kaniyang panig sa sari-saring akusasyon laban sa kaniya ngayon kaugnay ng negosyo ng illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP). Bago maniwala agad ng lubusan ang sinuman, lalo na ang mga estudyante at mga kabataan,  isipin muna ninyong mabuting mabuti ang mga ito:

AYAW HUMARAP ni De Lima sa House of Representatives Committee on Justice, na siyang mga nagiimbestiga ng mga usapin laban sa kaniya. Tulad ng naiintindihan ninyo, DOON SIYA DAPAT MAGPALIWANAG MUNA, hindi sa inyo. WALANG PUMIPIGIL sa kaniya na humarap sa committee. Kinumbida siya ng mga ito para magbigay ng kaniyang panig. Iyon na rin ang PINAKA-MAGANDANG PAGKAKATAON PARA MAKOMPRONTA NIYA ang mga nagdawit sa kaniya sa bentahan ng illegal na droga sa NBP at patunayan na sinungaling ang mga itotulad ng kaniyang pinagpipilitan. Siya ang may ayaw.

Ngayon sigurado ako na sinuman sa inyo na  akusahan ng kasing-bigat ng pagkakasangkot sa illegal  na droga  ay WALANG AAKSAYAHING ORAS AT  PAGKAKATAON  para harapin ang gumawa noon at patunayan ang kaniyang kasinungalingan.

Kaya kayo na ang humatol: BAKIT sa inyo nagpapaliwanag si  De Lima at hindi sa House of Representatives, sa inyo na wala namang kinalaman sa imbestigasyon laban  sa kaniya?  Nagpapaalala lang ako. 30


No comments:

Post a Comment