Saturday, October 15, 2016

SAFETY REMINDERS ON TYPHOON ‘KAREN’

Oct. 16, 2016
SAFETY REMINDERS ON TYPHOON ‘KAREN’

INaritro ang illang personal na safety reminders on typhoon ‘‘Karen’:

Maliban na lamang kung buhay at kamattayan na ang pinaguusapan, HUWAG LUMABAS NG BAHAY. Ngayon pa lamang, icharge na lahat na puwedeng maging ilaw tulad ng cellphones at battery-operated lights. Magcheck na now pa lang kung mayroon o kasya ba sa buong bahay ang mga kanidila at pospro. Kung wala o btin, maghanap at bumili na now pa lang. Baka mayroon sa  mga convenience stores.

Sa loob ng bahay,  lumayo sa mga bintana  o anumang maaaring mabasag p mabagsak kapag biglang luakas ang hjagupit ng hangin para hindi masugatan. Siguraduhing saradong mabuti ang lahat ng pintuan, ang gate, mga bintana at anupang maaaring pasukan ng magnanakaw. Ganitong klaseng panahon ang paborito ng mga iyan. Sa mga binabaha ang loob ng bahay, takpan na ngayon pa lamang ang mgva saksakan ng kuryente. Magcheck na delikadong hayop tulad ng ahas at daga.mabutri kung may nakakalat ng bagay na maaaring makasugat pag nadikitan o natapakan pag may baha sa loob ng bahay. Tingnan na kujng mayroong alcohol o kung marami pa at bumil na ngayon pa lamang kung bitin. Ang alvohol ay pang-disimpejta kung sakaling kailangan ninyong lumusong sa baha o humawak ng anumang bagay mula sa baha.


Kung kailangang lumabas ng bahay ay tuminging mabuti sa paligid at sa nilalakaran laban sa mga putol o nakabiting kawad ng kuryente., o kaya ay mga delikadong hayop tuladng ahas at daga. Lalo pa kung lumulusong kayo sab aha na ubod ng dumi. Kung hindi kayo pamilyat sa lugar, huminto sandal at huwag mahiyang magtanong kung saang parte pwedeng maglakad na walang bukas na manhole o anumang bagay na makakasugat kapag natapakan o nadaanan. Sa mataong lugar lamang dumaan hangga’t maaari para hindi makursunadahan ng mga pusakal na holdaper o iba pang kriminal. Huwag mahiyang magpalalaly kung kailangan. Kung may panggastos at wala namang hinahabol na oras o tao, sa loob ng magpalipas ng ulan o baha o anuman.  Higit sa lahat, tumutok sa mga balita kay ‘Karen’ sa mga news websites. God help all of us.30

No comments:

Post a Comment