Tuesday, October 11, 2016

BINASTOS NI DE LIMA ANG SIMBAHAN DAHIL…

Oct. 12, 2016
BINASTOS NI DE LIMA ANG SIMBAHAN DAHIL…

Saan mang anggulo tingnan, ano man ang depensang gawin, BINASTOS ni Leila de Lima ang Simbahang Katoliko.

Una: GInawa niyang ENTABLADO NG SARILI NIYANG POLITICAL INTEREST ang Simbahan, sa halip na maging lugar lamang ito ng panalangin, Bahay ng Panginooing Diyos ang Simbahan. OBLIGADO ANG SNUMAN, WALANG EXCEPTIONS as in WALA, na panatilihin ang KATAHIMIKAN AT KASAGRADUHAN nito bilang lugar na pakikipagusap lamang sa Panginoon ang TANGING pinahihintulutan. At hindi ang gawin itong parang ISTASYON NG TELEBISYON O RADYO na ibo-broadcast ninuman sa publiko ang kaniyang saloobin,    

Pangalawa: HINDI ANG SIMBAHAN ANG TAMANG LUGAR para magpaliwanag si De Lima sa mga kinakaharap niyang akusasyon ngayon tungkol sa negosyo ng illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP). Sa imbeasigasyon  sa House of Representatives siya dapat nagpaliwanag. At ALAM NA ALAM  NIYA IYON, Inimbitahan  siya sa imbestigasyon pero SIYA ANG UMAYAW.. Siya ang TUMANGGI SA PAGKAKATAONG KOMPRONTAHIN  ang mga nagakusa sa kaniya. Tapos, ang Simbahan, ang TAHANAN NG DIYOS, ang gagamitin niyang kasangkapan para makakuha ng awa mula sa Sambayanan?

Pangatlo: Hindi ako pari o propesor ng batas mg Simbahan pero mangangahas akong sabihin na dahil HIND INAMAN PARI si De Lima, WALA SIYANG ANUMANG KARAPATAN O KAPANGYARIHAN na magtalumpati tungkol sa PANSARILI NIYANG INTERES sa loob ng Simbahan.  HiINDI NIYA PAGAARI ang Catholic faith. Lalong hindi siya ang Santo Papa o ang Diyos na kahit na ano ang gawin niya sa loob ng Simbahjan, puwede.


Pangapat: Dahil sa ginawa ni De Lima, NAGMUKHANG PLAZA MIRANDA na ang Simbahang Katoliko. Puwede nang magimg stage ito ng kahit na sino para dumaing, maglabas ng galit o sama ng loob o magpaawa sa taumbayan. WALA nang pipigil ngayon sa ibang pulitiko na gawin ang ginawa  ni De Lima. Dahil kung may tatanggihan, walang dapat sabihin ito kundi ‘Bakit si De Lima, puwede? Bakit NAMIMILI KAYO? Simbahang Katoliko pa ang mapapasama bandang huli. 30

No comments:

Post a Comment