Oct. 8, 2016
DRUG WAR CRITICS, SAGUTIN NGA NINYO ITO!
Ayaw din lang tumigil kahit sandal ng mga
kritiko ng giyera kontra droga ng gobyerno, sagutin nga ninyo ito:
May ibang SOLUSYON BA KAYO para mapasuko ang
mahigit nang 700,000 pusher at user na naglabasan na sa LOOB LAMANG NG MAHIGIT
3 BUWAN tulad ng nagawa na ng Duterte Administration? Hindi 7, 700 o 7,000 kundi mahigit 700,000.
Kahit sino sa inyo, WALANG MAKAPAGKAILA na hindi tutoo ito. Kung mayroon kayong
solusyon, ilabas at idetalye ninyo agad at pangako, ilalabas ko rin agad sa Facebook. Kung wala kayong
solusyon, ANO ANG NIIREREKLAMO NINYO?
Kung hindi sumuko ang mahigit 700,000 pusher
at addict, Diyos lamang ang nakakaalam
kung ILANG KRIMEN PA ang nagawa ng mga ito tulad ng pagpatay, rape at pagnanakaw.
Kahit sabihin nating 70 o 700 o 7,000
krimen lang ang naganap pa, kayo ba sana ang nagpakulong at hindi sila?
Sagot ba ninyo ang panggastos ng mga naulila sana, lalo na ang pagaaral ng mga
bata? Papalitan ba ninyo ang hndi kikitain ng mga biktimang mabubuhay? Aakuin
ba ninyo ang respomsibilidad sa mga naging karagdagang krimen sana? Kung
sasabihin ninyong oo, akina ang tutoong pangalan, address at picture ninyo at
ilabas natin sa Facebook na nagbitiw kayo ng ganung pangako.
Kung sasabihin ninyong masyado nang maraming
namamatay, nagdeklara naman na ang PNP na iniimbestigahan na nila yung mga pagkamatay na may nakakaduda
ngang pangyayari. May ebidenisya ba kayo na hindi tutoo ang pahayag na ito? Kung
mayron, pakilabas agad. Kung wala, ano ang problema? Ano ang gusto ninyong gawin
ng mga alagad ng batas kung sila ang unang binaril ng pusher o drug trafficker –
tumakbo lang o magtago, o magmakaawa
sila na huwag naman silang putukan? Tiyak
namang HINDI NINYO SASAGUTIN ANG IKABUBUHAY ng mga pulis na mapapatay sa
pagaresto sa pusher o drug trafficker. Bumisita nga lang sa burol nang 13 o
mahigit na yatang pulis na napatay na sa giyera kontra droga, WALANG SINUMAN SA
INYO NA NABALITANG NAGPUNTA.
Panghuli, kapag may napatay na pusher o adik,
AUJTOMATIC NA PULIS ang may kasalanan para sa inyo. WALA NANG IBA. WALA kayong
tanong-tanong. Kasalanan ng pulis, ng giyera kontra doga. Hindi ng
kakumpitensiya sa negosyo ng droga o personal na kagalit. NASAAN ANG EBIDENISYA
NINYO?
Pakisagot! Hindi iyung PURO KAYO DALDAL, AT
ONE-SIDED Para MAGKAALAMAN NA KUNG DINO ANG BAYARAN ng mga drug lord at pusher
at sino ang hindi. 30
No comments:
Post a Comment