Wednesday, October 5, 2016

SI LENI, MAY NAGAWA NA BA?

Oct. 5, 2016


Dahil sa walang tigil ang oagouna at pagatake kay Pangulong Digong Duterte sa bawat kilos niya at galaw mula nang umupo siya, dapat na maging  PAREHAS ANG LABAN! TINGNAN AT PUNAHIN na rin kung MAY NAGAWA NA BA o wala pa si Leni Robredo. Sabay silang nagsimulang nanungkulan, huwag nating kalimutan.

Tulad ng alam na ng madla, kabilang sa mga nagawa na ng afministrasyon ni Digong ay ang PAGPAPASUKO sa mahigit 700,000 drug addict at pusher at ang pagpapababa ng crime rate sa halos kalahati kumpara nung isang taom.

Bilang hepe ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ano-ano nang problema kung mayroon man, ang nasolusyunan na ni Leni? Saan ang problema, sino-sino ang mga involed at ano eksakto ang ginawa niyang remedy? Ano ang resulta at sino ang nakinabang? Kahit isang problema lang. Luwagan pa natin. Kung hindi pa niya ganap na nalulutas ay nasimulan na niyang lutasin. Ano ang ginawa niya at ano ang resulta? Dalawang beses kong nabalitaan na nagpunta si Leni housing project site, para sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda’ at sa mga biktima ng bagyo kamakailan sa Batanes. Pero reaksyion lang niya ang nabalita. WALANG ANUMANG NABALITA na nagbigay siya ng instructions sa kung ano ang dapat gawin.

Itama ako ninuman kung mali ako pero hanggang ngayon, WALANG NABABALITANG plano o proyekto si Leni para sa urban development. Wala pa  siyang naipapakitang plano o pagaaral man lamang tungkol dito. WALA ring proyektong nasimulan na mula  nang maging HUDCC boss siya.

Ang alam kong regular na ginagawa ni Leni ay ang magdaos ng press conference at magpahayag ng reaksiyon sa mga maiinit na isyu sa kasalukuyan. At ang bumiyahe sa abroad upang magtalumpati, tulad noong ilang araw siyang namalagi sa Amerika. Kung may partikular na nagawa na si Leni sa pagiging HUDCC chairperson, sabihin lang agad ninuman at antimano ilalabas ko. Kung wala, sagutin na ng kahit na sino: ANO ANG GINAGAWA NIYA SA HUDCC?30





No comments:

Post a Comment