Thursday, October 6, 2016

GUSTO YATANG MAG-ARTISTA NI ROBREDO!

Oct. 7, 2016
GUSTO YATANG MAG-ARTISTA NI ROBREDO!

Sa ikinikilos niya, mukhang mas gusto ni Leni Robredo na MAG-ARTISTA kesa patuloy na umupo bilang Bise-Presidente ng bansa.  At ang masaklap pa, ginagawa niya ito na may kasamang KAPAL NG MUKHA.

Sa halos lahat ng nangyayari ay may press release llagi si Leni. Kuindi man sa napakadalas niyang press conferences ay pinapadala niya sa mga media companies. Kung hihirit ang kampo niya o mga taga-suporta niya na may karapatang magbigay ng reaction si Leni ay tama ito. Pero HALOS LAHAT ng kaniyang mga press release ay dalawang bagay lamang  -- Kung hindi BANAT (direkta man o hindi) SA DUTERTE GOVERNMENT, kung saan KABILANG SIYA, mga isyu na HINDI  NAMAN NIYA RESPONSIBILIDAD o trabaho bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang paksa.

Kung WALA RIN LANG PAKIALAM O RESPONSIBILIDAD ang posisyon ng isang opisyal sa isang usapin, WALANG MATINONG DAHILAN para basta-basta siya magpatawag agad ng press conference o magisyu ng press release. Maliban kung PUBLISIDAD LMAANG ANG GUSTO NIYA. At sa pagkakaalam ko bilang dating media man, yun lamang gustong mag-artista ang mahilig sa publisidad (kapag ganitong malayo pa ang eleksiyon).

Hindi bale sana kung may naipakita o naklkita nang seryosong pagtatrabaho si Leni bilang pinuno ng HUDCC. Pero tulad ng sinabi ko sa isang nauna kong blog,  ano-ano nang problema kung mayroon man, ang nasolusyunan na ni Leni? Saan ang problema, sino-sino ang mga involed at ano eksakto ang ginawa niyang remedy? Ano ang resulta at sino ang nakinabang? Kahit isang problema lang.

Luwagan pa natin. Kung hindi pa niya ganap na nalulutas ay may nasimulan na ba siyangh lutasing problema? Dalawang beses kong nabalitaan na nagpunta si Leni sa mga lugar na may kaugnayan sa housing -- project site para sa mga biktima ni super typhoon ‘Yolanda’ at sa mga biktima ng bagyo kamakailan sa Batanes. Pero reaksyion lang niya ang nabalita. WALANG ANUMANG NABALITA na nagbigay siya ng instructions sa kung ano ang dapat gawin.  Itama ako ninuman kung mali ako.

Hindi ako pulitiko pero lalaban ako ng pustahan kahit kanino na ang Office of the Vice-President ay HINDI PARA SA MGA GUSTONG MAG-ARTISTA. Lalong hindi ito FACTORY ng press release, na PERA NG SAMBAYANAN ang panggastos.30  




1 comment: