Sunday, October 9, 2016

DRUG LORDS, NOT DUTERTE, ARE THE SERIAL KILLERS!

Oct. 9, 2016
DRUG LORDS, NOT DUTERTE, ARE THE SERIAL KILLERS!

It’s not President Digong Duterte who is the serial killer. It’s the DRUG LORDS, and their PROTECTORS and SYMPATHIZERS who have all been SERIAL KILLERS FOR AGES.

Ang Panginoong Diyos na lamang ang nakakaalam kung ILANG LIBO, O DAANG LIBO na ang NAMATAY NA dahil sa illegal na droga – mga adik na na-overdose, mga pulis o iba pang alagad ng batas na napatay sa pakikipaglaban o pagaresto sa mga drug  lord at pusher, mga INOSENTENG tao na basta na lamang NAKURSUNADAHANG barilin o saksakin ng mga high na adik, mga residente na binaril o sinaksak ng adik dahil nahuli nila to na nagnanakaw, mga nabiktma ng mga nagwawalang adik at mga pusher o drug lord na pinatay o pinapatay ng mga kakumpitensiya nila sa negosyo.

Drug lords ang MISMONG NAGPAPAGAWA at nagpapabenta ng illegal na droga. Kahit alam nilang nakamamatay ang mga ito. ILAMPUNG TAON nang may illegal na droga pero hindi tumitigil ang mga drug lord, kahit na nakabilanggo na sila tulad ng mga nabulgar na preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.  Mahuli man, o mapatay, ang mga drug lords ay miyembro ng pamilya o mga tauhan nila ang nagpapatuloy ng negosyo.

Kapag naaabala ang kanilang negosyo, tulad ng giyera sa droga ni Digong, agad na may lalabas na taga-pagtanggol kuno ng karapatan nila pag napapatay o naaaresto sila. Pero iyung kanila lamang. Hindi ang karapatang pantao ng mga pulis at iba pang tao na pinapatay o winawalanghiya nila dahil sa kanilang illegal na negosyo.

At tulad ng sinabi ko sa nakaraan kong post, kahit na sino ay walang mailabas kahit isang pirasong ebidensiya na magpapakitang mismong si Digong ang pumatay o nagutos na patayin ang lahat ng pusher at user na mahuhuli sa kaniyang giyera kontra droga.

Records will even show that a lot more drug lords and pushers have been arrested than killed in the three-month old anti-drug war. So who are the real serial killers again?30


  


No comments:

Post a Comment