Tuesday, September 19, 2017

SI TRILLANES PA RIN ANG NAGMUKHANG TANGA!

Image result for images of rodrigo duterte with antonio trillanes




20 Sept. 2017

Kahit na umamin na si Pangulong Digong Duterte na inimbento lang niya ang account number sa DBS Bank sa Singapore na vinerify ni Antonio Trillanes, hindi siya kundi si Trillanes pa rin ang nagmukhang tanga.

Una: SINABI na agad ni Digong na HINDI NIYA ALAM KUNG ANONG CURRENCY ang nasa DBS account. Doon pa lamang, kung matalino si Trillanes ay magdududa na siya. MERON BA NAMANG BANK RECORDS NA HINDI NAKALAGAY kung anong currency ang naka-deposit?  Pangalawa: Sinabi rin agad ni Digong na WALANG IV SA PANGALAN ng nagmamay-ari ng DBS account. At ang buong pangalan ni Trillanes ay Antonio F. Trillanes IV.  Kahit saang korte makarating, IBA SI ANTONIO F. TRILLANES IV kay Antonio F. Trillanes III, Antonio F Trillanes o iba pa.

Pero KUMAGAT SI TRILLANES at bumiyahe pa sa Singapore para iverify yung DBS account.  Gumastos pa at nagsama pa ng mga taga-media. Pero nang lumapit na sa teller para mag-verify MAGISA LAMANG SIYA. WALANG KATABING REPORTER. Ano kaseguruhan ng sambayanan ngayon na wala siyang sinabi dun sa teller na KWESTYONABLE? Sino ngayon ang nagmukhang tanga?

Malinaw ha, hindi ko sinasabing mali ang ginawa ni Digong. Pero siguradong may malalim na dahilan siya. At higit sa lahat, umamin siya. Si Trillanes, umamin na ba kahit minsan? 30



No comments:

Post a Comment