Wednesday, September 13, 2017

KAYO ANG BANTA SA DEMOKRASYA, LENI!

Image result for leni robredo with chito gascon


14 Sept. 2017

Commenting on the House of Representatives decision to reduce the Commission on Human Rights (CHR) 2018 budget to P1,000, Len Robredo said in an abs-cbnnews.com (http://news.abs-cbn.com/news/09/13/17/robredo-p1000-budget-for-chr-a-threat-to-democracy) story: "Tila pagbuwag sa CHR ang magiging epekto ng desisyong ito. Nagbabadya ito ng kawalan ng respeto sa ating Saligang Batas at sa karapatang pantao -- parehong banta sa demokrasya.”

KAYO ni CHR Chairman Chito Gascon ang tunay na BANTA SA DEMOKRASYA, Leni.

Mula’t sapul, at itama ako ninuman kung mali ako, WALANG ANUMANG GINAWA sina Leni at Chito para MAPATATAG ang demokrasya at matalo, kundi man MAUBOS, ang mga walang tigil sa panggugulo at pagpapabagsak ng pamahalaan sa sari-saring paraan. KAHIT KAILAN, WALANG NABALITA na may kinasuhan o pinakakasuhan na ang CHR o si Leni na mga terorista o mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) at mga drug lords/pushers. Mga KRIMINAL na WALANG AWANG PUMAPATAY ng mga sundalo o pulis, at mga inosenteng sibilyan, magawa o makuha lamang nila ang kanilang ILEGAL NA GUSTO, o kaya ay hindi maabala sa pagbebenta ng droga. BULAG, PIPI AT BINGI kayong dalawa ni Gascon, Leni, kapag pulis, sundalo o inoszenteng sibilyan ang PINATAY ng mga terorista at kriminal, o drug addict at pusher. Talo pa ninyo ang NORTH CEMETERY sa madaling araw sa katahimikan.

Sa Marawi, MAHIGIT 100 sundalo at pulis na ang napapatay ng mga terorista na pinamumunuan ng Maute brothers. Ang SAF 44, beripikado na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang nag-massacre.  Nagawa ba ninyong ISUMPA O BATIKUSIN man lamang ang mga kriminal? HINDEEEE! 

Pero kapag terorista, drug pusher/lord o kriminal ang napatay, masahol pa kayo sa mga tindera (o) sa palengke sa WALANG TIGIL NA KAPUPUTAK O KADA-DALDAL AT PAGAKUSA. Hindi lang iyon, NASISIKMURA pa ninyong LOKOHIN ANG TAUMBAYAN, Pag  may napatay ang mga pulis, AUTOMATIC na banat agad kayo na biktima ng anti-drug war ng gobyernong Duterte. Kahit na wala pa o hindi pa tapos ang imbestigasyon, NAAATIM NG KONSIYENSIYA nina Leni at Chito na agad hatulan ang pangyayari bilang extra-judicial killing. Wala nang tanong-tanong. Hindi dahil sa baka personal na alitan lang, o may atraso yung biktima na hindi tungkol sa droga o iba pang posibleng dahilan. Tu;ad ng ginawa ni Lenis a isang video message sa isang United Nations confewrence, kung saan sinabi niyang ang humigit-kumulang na 7,000 napatay na mual nang simulan ang drig war ay  kaugnay ng naturang opensiba.

Tunay na tunay, WALA NANG MAS TITIBAY PA SA SIKMURA MO, Leni. 30


No comments:

Post a Comment