Thursday, September 14, 2017

GASCON, BAUTISTA: PAREHONG SUPER KAPAL ANG MUKHA!

Image result for chito gascon with andy bautista




15 Sept. 2017

In case you haven’t noticed, people, Commission on Human Rights (CHR) chair Chito Gascon and Comelec chair have something in comoon. Two things to be exact.

First: They’re BOTH APPOINTEES of Noynoy Aquino. Second, and more importantly, PAREHONG SUPER KAPAL ANG MUKHA. Parehong KAPIT-TUKO sa puwesto!

Si Bautista, iba’t-ibang sektor na at mismong mga Comelec commissioners na ang nananawagan na mag-resign na siya dahil sa mga ibinulgar ng asawa niya na DIUMANO’Y NAKAW NIYANG YAMAN na halos P1 bilyon. Mga akusasyong HINDI NIYA MAPA-SINUNGALINGAN NG KONKRETONG EBIDENSIYA HANGGANG NGAYON. Mga Comelec commissioners na rin ang nagsabi na kung ayaw mag-resign ni Bautista, magbakasyon man lamang muna siya. Pero PARANG WALANG NARINIG  si Bautista. At HINDI RIN NIYA MAIPALIWANAG KUNG ANO ang hindi niya maaaring maiwan sa Comele kung magre-resign o magbabakasyon siya. Kung ano ang SIYA LAMANG ANG MAKAKAGAWA O DAPAT GUMAWA at hindi ang ibang commissioners kung mawawala siya.

Si Gascon, ginawa na ng House of Representatives na P1,000 lamang ang 2018 budget ng CHR. ILANG BUWAN na rin siyang tuluy-tuloy na binabatikos at ang CHR dahil sa pagiging BIASED O HINDI PAREHAS. Lalo na sa social media. Pero HINDI TINATABLAN. NASISIKMURA pa ring huwag magresign. At may nagsabi sa akin na narinig niya raw si Gascon sa isang interview na NAGDRAMA at nagpahiwatig na kawawa naman ang  mga dumudulog sa CHR kung mawawala siya doon. Makapal na ang mukha, MAYABANG PA. Kumbaga, parang ibig sabihn, hindi kaya ng CHR commissioners ang kaniyang kayang gawin o ginagawa.


Kumontra na ang kokontra. 30

2 comments:

  1. May mga pinagtatakpan kasi kaya di pwedeng mawala sila sa pwesto lalo na si Andres Bautista, malapit na naman ang election, the LP BADLY NEEDS HIM!

    ReplyDelete
  2. May mga pinagtatakpan kasi kaya di pwedeng mawala sila sa pwesto lalo na si Andres Bautista, malapit na naman ang election, the LP BADLY NEEDS HIM!

    ReplyDelete