Friday, September 8, 2017

MGA KONTRA SA DRUG WAR, PAKISAGOT ITO (PART 1)

Image result for images of duterte drug war

09 Sept. 2017

Sa lahat, as in lahat, ng mga walang tigil sa pagkontra sa anti-drug war ng Duterte Administration, pakisagot nga ninyo ang mga ito at nang magkaalaman na:

Una: Bakit NI ISANG SALITA, WALA kayong sinasabi LABAN SA DROGA AT MGA DRUG PUSHERS/ DRUG LORDS? Ilang taon nang SALOT ang droga sa lipunan. Hindi na mabilang ang mga pulis, informer at inosenteng sibilyan na nakursunadahan lamang patayin, gahasain, pagnakawan  o saktan ng mg addict.  Hindi na rin mabilang ang mga addict na namatay dahil sa mga sakit na dulot ng droga, o mga naging kriminal at nawasak ang kinabukasan dahil gumawa ng masama magkaroon lang ng pambili ng droga. Ang lahat ng ito ay bunga ng droga

Pero sa halip na ang mga nagbebenta at gumagawa ng droga ang BATIKUSIN O ISUMPA O MURAHIN NINYO, iyong mga NAGSASAKRIPISYO AT NASASAKTAN O NAMAMATAY sa paglaban sa salot na ito ang PILIT NINYONG PINIPIGILAN, TINITIRA AT PINAGMUMUKHANG NAPAKASAMA. Paki-paliwanag nga. Kaninong panig ba kayo talaga? Kumikita ba kayo sa mga drug lords at pushers?

Pangalawa: May mga senyales ng pagabuso sa drug war. TUTOO. Sa kabila ng ilang libong namatay, hindi pa rin napipigil ang droga. TAMA. Pero TANDAAN NG LAHAT:  Tulad ng sinabi ko sa una, ilang taon nang problema ang droga at HINDI NGAYON LAMANG sa ilalim ng Adminiistrasyong Duterte. Kaya’t HINDI ANG PANGINOONG DIYOS o si Superman si Pangulong Digong na isang taon lamang ay malulutas na ang salot na droga. Nangako siya noon sas kampanya. Pero naging maginoo na siya at tinanggap nang mali ang naging pangako niya. At sa aminin ninyong mga kontra sa drug war o hindi, marami na ring mga pulis na akusado sa mga umano’y pagabuso sa drug war ang kinasuhan o inaksiyunan na sa ibang paraan. Iyon nga lang, HINDI NATATAPOS ANG IMBESTIGASYON AT NAISASAMPA ANG KASO kung dapat man sa loob lamang ng isang araw, linggo o buwan. Maliban na lamang kung AAMININ AGAD ng akusado ang reklamo o demanda laban sa kaniya. Magtanong kayo sa kilala ninyong abugado kung gusto ninyo. MANLOLOKO ang magsasabi sa inyong isang araw o linggo o buwan lamang ay kayang tapusin ang isang kaso.

Pangatlo: Sa aminin ninyong mga kontra drug war o hindi, ILANG DAANG KILONG DROGA (o ilang tonelada na ba) na ang nakukumpiska ng mga tauhan ng PNP, NBI at PDEA  mula lamang ng simula noong giyera. Bukod pa rito ang ilaaaaang laboratoryo na ng shabu na nadiskubre at ILAMPNG LIBONG PUSHER AT ADDICT na nahuli na o sumuko.  Sa tokhang lamnang ay humigit-kumulang na isang milyon na.


Ngayon, kung ititigil ang drug war at DADAMI ANG DROGA, MGA ADIK AT BILANG NG KRIMEN, SINO ang dapat sisihin naming sambayanan? AAKUIN BA NINYO ANG RESPONSIBILIDAD?. MAGPAPAKULONG BA KAYO? Kilabutan naman ang mga balat ninyo sakahihiyan kung sasabihin ninyong gobyerno o PNP O NBI pa rin(To be continued).

No comments:

Post a Comment