03 Sept. 2017
Dapat na maging ALERTO TAYO LAGI kina Leni
Robredo at Comelec Chairman Andres ‘Andy” Bautista, mga kababayan!
PAREHONG TAHIMIK PA SA SEMENTERYO ang
dalawang ito ilang linggo na ang nakalilipas, sa kabila ng PATULOY na panawagan
ng iba’t-ibang sektor na MAGRESIGN na sila – SI Leni dahil sa hanggang ngayo’y KWESTYONABLENG
PANALO niya bilang bise-presidente laban kay Bongbong Marcos at si Bautista
dahil sa akusasyon ng asawa niya na mayrooon siyang halos P1 BILYON na
ILEGAL na yaman.
Huwag kalimutan, mga kababayan, WALANG
GINAWANG AKSIYON AT WALANG NARESOLBA anuman si Andy sa mga reklamo at petisyon
na inihain ni Bongbong sa Comelec laban kay Leni. Maraming ebidensiya sa protesta ni Bongbong na
MAKAKASAMA KAY LENI ang nasa PAGIINGAT ng Comelec, gaya ng hindi awtorisadong
pagbabago na ginawa ng Smartmatic sa transparency server, mga vote-counting machines at mga MAY LAMANG
SD CARDS na nauna nang dineklara ng
Comelec na hindi nagamit noong halalan noong 2016.
Tandaan ninyo, hanggang sa isang linggo bago
maghalalan ay HINDI NAG-NUMBER ONE si Leni KAHIT KAILAN sa anumang survey. Pero
ilang araw bago ang botohan, BIGLANG NUMBER ONE NA si Leni KUNO. At noon pa
lamang, SINISIGURADO na niya ang kaniyanbg panalo.
Kaya BAKA MAGMILAGRO na naman bigla sa
Comelec, mga kababayan. At PAGMILAGRUHAN din si Leni ulit. MAGBANTAY TAYO NG
TODO HIGPIT. Baka MAGKABIGLAAN na
naman.30
ALERTO BANTAY TODO SA MILAGRO! BAKA MA PELIGRO ANG MGA BOTO NG MGA LOKO NA MGA BATA NI BOY LATIGO AT ROB-BREDO!BANTAY TAYO MGA KA TOTO!!!
ReplyDelete