20 Sept. 2017
Kahit na umamin na si Pangulong Digong
Duterte na inimbento lang niya ang account number sa DBS Bank sa Singapore na
vinerify ni Antonio Trillanes, hindi siya kundi si Trillanes pa rin ang nagmukhang
tanga.
Una: SINABI na agad ni Digong na HINDI NIYA
ALAM KUNG ANONG CURRENCY ang nasa DBS account. Doon pa lamang, kung matalino si
Trillanes ay magdududa na siya. MERON BA NAMANG BANK RECORDS NA HINDI NAKALAGAY
kung anong currency ang naka-deposit?
Pangalawa: Sinabi rin agad ni Digong na WALANG IV SA PANGALAN ng
nagmamay-ari ng DBS account. At ang buong pangalan ni Trillanes ay Antonio F.
Trillanes IV. Kahit saang korte
makarating, IBA SI ANTONIO F. TRILLANES IV kay Antonio F. Trillanes III,
Antonio F Trillanes o iba pa.
Pero KUMAGAT SI TRILLANES at bumiyahe pa sa
Singapore para iverify yung DBS account.
Gumastos pa at nagsama pa ng mga taga-media. Pero nang lumapit na sa
teller para mag-verify MAGISA LAMANG SIYA. WALANG KATABING REPORTER. Ano
kaseguruhan ng sambayanan ngayon na wala siyang sinabi dun sa teller na
KWESTYONABLE? Sino ngayon ang nagmukhang tanga?
Malinaw ha, hindi ko sinasabing mali ang
ginawa ni Digong. Pero siguradong may malalim na dahilan siya. At higit sa
lahat, umamin siya. Si Trillanes, umamin na ba kahit minsan? 30
No comments:
Post a Comment