Tuesday, September 19, 2017

WALANG DAPAT IKATAKOT SA SEPT. 21

Image result for images for sept. 21 rally vs duterte






19 Sept. 2017

Sa mga nagtatanong na: WALANG DAPAT IKATAKOT sa anti-Duterte rally sa Sept. 21. HUWAG KABAHAN ang sinuman na magkakagulo ng malawakan, o magdedeklara ng nationwide martial law si Pangulong Digong  sa araw ding iyon.

Una:  Ni WALANG KASEGURUHAN ang mga rally organizers na makakarami sila ng tao sa araw na iyon. Bakit? KAHIT ISANG MALAKING GRUPO na walang kinaaanibang partido pulitikal ay WALA PANG NAGDEDEKLARA NG SUPORTA SA KANILA. Tulad ng Iglesia ni Cristo at mga NEUTRAL, O HINDI MAKA-KALIWA, na samahan ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang sector ng lipunan. Patunay pa nito ay ang wala nang tigil nilang panawagan sa social media sa taumbayan na dumalo sa rally

Pangalawa: NANANATILING MATAAS ang popularity ratings ni Pangulong Digong. Kaya’t walang dahilan para magmula sa panig ng gobyerno ang anumang kaguluhan. Common sense na ang magsasabi kaninuman na hindi  gagawa ang Pangulo ng makakasira sa kaniya at sa kaniyang Administrasyon.

Pangatlo: Tulad ng nakita na nating lahat ng napakaraming beses, kapag nagsimula nang manakit at manira ng ari-arian ang mga  rallyista at gumanti na ang mga pulis, KANI-KANIYANG TAKBUHAN NA ang mga nagpo-protesta. Ang mag lider/organizer ay naglalahong parang bula. Kaya’t magkagulo man ay hindi na aabot pa sa kung saan-ssan o magtatagal, lalo pa’t kung konti lamang ang mga rallyista.

WALANG MAPAPALA  ang gobyerno kung sila ang manggugulo. Ang mga magra-rally at mga lider nila, meron. May dahilan sila para  pagbintangan ang Pangulo ng kung anu-ano na naman. Kaya’t KALMA LANG tayo, mga kababayan. Magrelax na lang sa bahay kasama ang pamilya sa a-21. Kumontra na ang kokontra. 30



No comments:

Post a Comment