12 Sept. 2017
Si Antonio Trillanes, at hindi si Pangulong
Duterte, ang UNANG DAPAT IMBESTIGAHAN sa mga pinagsasasabi niyang tagong yaman kuno
ni Pangulong Digong Duterte at ng mga anak nito.
Sa dalawang dahilan: Kung sa LEGAL NA PARAAN
ba niya nakuha ang mga pinagmamalaki niyang mga dokumento at impormasyon kuno sa diumano’y tagong yaman at kung peke baa ng mga ito o hindi.
Sa mga hindi gaanong nakakaalam, LABAG SA
BANK SECRECY LAW ANG PAGBUBULGAR ng anumang impormasyon tungkol sa bank account
ninuman. Maliban na lamang kung ang magbubulgar ay may hawak na utos ng husgado
sa bangko na buksan at ipakita ang records ng depositor sa kaniya. BAWAL NA
BAWAL DIN ang MAMEKE ng commercial documents tulad ng bank records.
Itama ako ninuman kung mali ako pero mula pa
nung kampanya noong 2016 HANGGANG NGAYON, HINDI PA NAPAPATUNAYAN ni Trillanes na
wala siyang anumang ginawang ILEGAL sa mga pinagmamalaki niyang ebidensiya at
impormasyon sa mga tagong yaman kuno ni Pangulong Digong at ng mga anak dito.
At doon sa PAULIT-ULIT NIYANG HAMON na
pumirma si Digong sa waiver para sa bank deposits nito, NOON PANG MAYO NUNG
ISANG TAON ay ginawa na ito ng Pangulo. Para sa bintang ni Trillanes na mayroon
siyang P211 milyon sa isang sangay ng Bank of the Philippine Islands. Kinalaunan
ay MISMONG ANG BANGKO na ang nagsabi na HINDI TUTOO ang mga paratang ni
Trillanes. At balido pa rin daw ang waiver, ayon kay chief presidential counsel
Salvador Panelo.
Alam kaya, o naiintindihan kaya, ni Trillanes
ang kasabihan sa Ingles na PUT UP OR SHUT UP? 30
No comments:
Post a Comment