10 Sept. 2017
Kumakalat na sa sari-saring news websites ang
press release ni Antonio Trillanes na pipirma siya ng waiver para mabuksan ang
anumang bank account niya sa ibang bansa na ibubulgar ni Pangulong Digong
Duterte. Itama ako ng detalyadong paliwanag ng sinumang abugado kung mali ako
pero 100 waivers man ang pirmahan ni Trillanes, BALE-WALA.
Anumang ibubulgar ni Pangulong Digong ay bank
account SA IBANG BANSA, HINDI DITO SA PILIPINAS. Kaya’t may waiver man si
Trillanes o wala, HINDI NIYA MAKAKASUHAN si Pangulong Digong ng paglabag sa
Bank Secrecy Law NG PILIPINAS. Sa
pagbubulgar man ng laman ng anumang bank account o paraan ng pagkuha ng mga
dokumento tungkol dito. Iba ang Bank Secrecy Law ng Pilipinas sa anumang
kagayang batas nito sa ibang bansa. Hindi porke batas sa Pilipinas ay ito na
rin ang dapat umiral na batas sa ibang bansa.
At tulad ng dati, hinamon na naman ni
Trillanes ang Pangulo na pumirma ng waiver para buksan ang mga bank accounts nito.
Bago itong blog na ikto ay may pinost na ko tungkol sa KASINUNGALINGA ni
inihayag ni Trillanes nung kampanya noong isang taon tungkol sa daan-daang
milyong deposito kuno ni Digong sa isang bangko. Pakibasa, mga kababayan. At
heto ang karagdagan:
Mula’t sapol, WALANG NAPATUNAYAN si Trillanes
na NAKUHA NIYA SA LEGAL NA PARAAN AT HINDI PEKE ang mga dokumento kuno na hawak
niya tungkol sa mga DIUMANO’Y DAAN-DAANG MILYON ni Pangulong Digong at ng iba
pang Duterte. Kaya’t walang dahilan para patulan o bigyang dignidad ni Digong ang
anumang HINDI SIGURADONG WALANG BAHID NG PAGLABAG SA BATAS. Lalo pa’t
nagsinungaling na nga noon si Trillanes.
At isipin ninyo, mga kababayan: Kung talagang
sigurado si Trillanes sa katotohanan at hindi pagiging peke ng mga dokumentong
hawak niya, BAKIT HINDI SIYA MAKAPAGSAMPA NG ANUMANG DEMANDA laban sa Pangulo?
O kay Paolo Duterte ma derechahan niyang inakusahang miyembro ng Triad criminal
syndicate? May waiver man o wala si Digong, at kahit ayaw ipaklita ni Paolo ang
tattoo niya sa likod, puwedeng m,agsampa
ng kaso si Trillanes anumang oras kung HINDI PEKE ang mga ebidensiya kuno niya.
Kayo na ang sumagot, mga kababayan: BAKIT HINDI NIYA MAGAWA? 30
No comments:
Post a Comment