Sunday, September 24, 2017

MAHIYA KA NAMAN, SOC VILLEGAS!

25 Sept. 2017

Nagsimula pala si Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas sa kaniyang nasasakupan ng 40 araw na pagluluksa, o hanggang Nobyembre 1, para sa mga namatay at nabiktima ng extra judicial killings (EJK). Ito ang link: http://news.abs-cbn.com/news/09/24/17/40-araw-ng-pagluluksa-para-sa-ejk-victims-sinimulan-sa-pangasinan At bumanat pa ng magkahalong biased at, pasintabi sa walang kinakampihan na mga pari pati na madre,  KATANGAHAN si Soc ng ganito: “..sabi nila death under investigation pero papaano mo maiiimbestigahan ang iyung ganoon karaming victims.” 

Dalawang punto lang: Ang pinagluluksa ni Soc ay iyon LAMANG mga napatay o biktima ng EJKs. HINDI ANG MGA PULIS o iba pang mga alagad ng batas at mga INOSENTENG SIBILYAN NA PINATAY, GINAHASA, NINAKAWAN, SINAKTAN o ginawan ng iba pang kawalanghiyaan ng mga drug addict at drug pushers/lords. Mas may karapatan sa panalangin at ipagluksa ang mga ito, pero BINALE-WALA sila ni Soc. Drug pusher, drug lord at mga inosenteng dinamay lamang nga mga abusadong pulis ang importante kay Soc.

Sinabi pa sa istorya na layon ng pagluluksa na ipagpatuloy ang paghingi ng hustisya para sa mga biktima ng EJK. PAANO MO MAKUKUHA ANG HUSTISYA, SOC, KUNG HINDI IIMBESTIGAHAN MUNA? Ano gusto mo, GUILTY NA DERECHO? HINDI IKAW O ANG MGA KAKAMPI MO ang judge at WALA KAYONG LEGAL AT MORAL NA KARAPATAN, KAHIT NA PARI KA, para husgahan agad ang alinmang pagpatay.

Pari ka, Soc, Ang pari, dapat WALANG KINAKAMPIHAN. DAPAT, LAHAT PINAGDARASAL. At hindi NANGHUHUSGA. Kaya MAHIYA AT KILABUTAN KA naman sa pinaggagagawa mo. May kahihiyan ka pa naman sigurong natitira sa katawan. 30





2 comments:

  1. Ha ha ha ha Nakakatawa itong si Soc. Villegas noong kapanahunan ni Pres. Marcos ang mga ay Pari Pino-Portray ang mga Pulis at Soldado ng Pilipinas bilang si Archangel Micheaelo o St. Michael bilang Tagapagtanggol. Protector at Tagapamayapa ng Bayang Pilipinas he he he he asan na nga ba ang Pilipinas ngayon.

    ReplyDelete
  2. Ang mga Pulis at Sundalo na namatay ay wala ng kaluluwang dapat ipagluksa at ang aalayan nalang ng panalangin ay ang mga kriminal lalo't higit ang mga addict. Malinaw ang sinusunod na doctrina ni Soc Villegas, ang doctrina ng mali o diablo, hindi ng tama o ng Diyos.

    ReplyDelete