Wednesday, September 27, 2017

BAKIT TAKOT SI BAUTISTA SA SMARTMATIC?


Related image




28 Sept. 2017

ANO KAYA ANG KINAKATAKOT ni Comelec Chairman Andres Bautista sa Smartmatic?

HANGGANG NGAYON, WALANG NABABALITANG AKSIYON si Bautista, o ang Comelec mismo, laban sa Smartmatic. Kahit na sa Smartmatic NAGMULA  ANG LAHAT ng senyales ng posibleng dayaan noong eleksiyon para manalo si Leni Robredo. At dalawang beses pang BINASTOS ng Smartmatic ang Comelec.

Una: Ang HINDI AWTORISADONG PAGBABAGO na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server, na INAMIN ng Comelec na talagang WALANG PERMISO. Pangalawa: Ang  paggamit ng Smartmatic ng IBA PANG SERVER NA HINDI NILA PINAALAM SA COMELEC, at ang PAGAMIN NILA NITO. 

Idagdag na natin ang MAY LAMAN nang SD cards na nauna nang dineklara ng Comelec na HNDI GINAMIT noong eleksiyon, ang PAGTAKAS ng isa (o dalawa) na taga-Smartmatic nang nagsisimula ng mabulgar ang mga senyales ng dayaan at ang PAGBAGSAK NG KISAME sa warehouse ng Comelec sa mga kagamitan sa eleksiyon nba sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni.

Marami pa. Pero HANGGANG NGAYON, WALANG NABABALITANG AKSIYON si Bautista o RESOLUSYON ang Comelec tungkol sa mga ito. Subalit nakuha pang makipagusap ni Bautista sa isang executive ng Smartmatic noogn isang taon sa America, at INAMIN NIYA ITO. Na kesyo nataon lang daw.

At ayaw niyang mag-resign o magbakasyon man lamang sa kabila ng panawagan ng sari-saring sektor kasunod ng akusasyon ng asawa niya na may mga kwestyonable siyang yaman.

May pinanghahawakan kaya ang Smartmatic laban kay Bautista? PAKAPALAN NG MUKHA na lang yata talaga ang labanan ngayon. 30





2 comments:

  1. Lalong hindi na kikilos ang Comelec ngayong alam ni Bautista na may kakampi siya sa Kongreso.Pakapalan na talaga ng mukha ang mga ganitong government officials.Mga salot!

    ReplyDelete
  2. Lalong hindi na kikilos ang Comelec ngayong alam ni Bautista na may kakampi siya sa Kongreso.Pakapalan na talaga ng mukha ang mga ganitong government officials.Mga salot!

    ReplyDelete