19 Sept. 2017
A story in gmanews.tv (http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/626289/trillanes-in-sg-to-debunk-duterte-s-claims-about-foreign-bank-accounts/story/) says Antonio Trillanes IV flew to Singapore yesterday afternoon to belie allegations by President Digong Duterte that he is maintaining offshore bank accounts. The story said Trillanes left with this departure statement: “Pupunta ako sa banko mismo na minention ni Duterte doon sa Singapore para patunayan na wala akong accounts doon. Kung ano man yan, may the IV man yan o walang IV, sarado man yan or existing account, joint or single, lahat yan papabuksan natin.” Bakit KABOBOHAN?
Kung walang IV ang account name ng depositor,
legally speaking hindi kaniya. Kung hindi kaniya, IMPOSIBLENG IPAKITA SA KANIYA
NG BANGKO o sa kung kaninuman ang records na HINDI KANIYA. Hindi ako banker,
hindi ko alam ang Singaporean banking laws pero lalaban pa rin ako ng pustahan na
walang batas ang Singapore na nagsasabing puwedeng ipakita ang bank records ng
isang depositor sa ibang tao, lalo pa kung taga-ibang bansa, ng wala itong sariling
waiver o permiso. Itama ako ninuman kung mali ako. Ganoon din ang sistema kung
joint account. Kaya SAGARANG KAYABANGAN O KABOBOHAN para sabihin ni Trillanes
na papabuksan niya ang anumang account, may IV man o wala ang account name,
single man o joint. Gustong magmuklhang
super tapang o linis sa media at sa mata ng sambayanan, hindi naman ginamitan
kahit kaunting utak ang gimmick na ginawa.
At kung mapapabuksan man ni Trillanes ang anumang
account, ibig sabihin ay may KINALAMAN SIYA, o kausap din siya sa pagbubukas
noon kaya pumayag ang bangko. IYON ANG DAPAT NIYANG IPALIWANAG. Dahil kung wala
siyang alam, SINO SIYA SA AKALA NIYA na puwede siyang makialam ng basta-basta
sa anumang gusto niya sa ibang bansa?
Sa mga
kulang sa kaalaman, isipin at intindihin muna ninyo ito bago kayo maniwala o
magpabola sa press release ni Trillanes. Hindi porke pinatulan ng media ay tutoo
at tama. Ipakita nating lahat kay Trillanes na HINDI TAYO KASING-TANGA ng akala
niya. 30
No comments:
Post a Comment