Saturday, May 12, 2018

BINABAON SA LIMOT ANG BONGBONG RECOUNT


Image result for images for bongbong marcos

DELIKADO tayo, mga kababayan! BINABAON NA SA LIMOT ang recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo!

Kung dati ay may lumalabas na detalye sa nangyayari sa recount, mula sa mga NAGMAMALASAKIT NA INSIDERS, humigit-kumulang ng DALAWANG LINGGO NA WALA. As in NONE!

DELIKADO tayo, mga kababayan dahil HINDI NA NATIN MALALAMAN kung may madidiskubre pang dayaan.  At kung ANONG AKSIYON ang gagawin ng revision officials. Yun ay kung aaksiyunan nila. Dahil dito, yung NANDAYA O ANG MAKIKINABANG SA PANDARAYA ay may dahilan para agad na MAGSINUNGALING o sabihing wala siyang kinalaman.

Ang mas matindi, mga kababayan, NAKAWIN O SUNUGIN O IBASURA sa anumang paraan ang anumang ebidensiya ng pandaraya na madidiskubre para maglaho ay HINDI NA NATIN MALALAMAN, AGAD-AGAD. Dahil nga NEWS BLACKOUT at bawal din kina Bongbong at Leni, at sa mga tao nila, na magsalita.

Kaya may lumabas mang detalye sa huli ang mangyayari, sabi nga sa Ingles, ay Bongbong’s word against Leni’s word. Na magpapahaba na naman sa proseso dahil magiimbestiga na naman at pagdedesisyunan. Pero tayo sa sambayanan ay maiiwang NAKANGANGA, NAGIISIP kung ano ang katotohanan. Dahil nga ITINATAGO iyon sa atin. 

Kumontra na ang kokontra. 30


2 comments:

  1. lagi kong inaabangan yan ngayon ayaw na nila ipa alam? may itatago nga kung ganoon.. ipag laban natin ang atingkarapatan!

    ReplyDelete