Hindi lang Supreme Court (SC) kundi pati na
ang Constitution ang BINABASTOS ng mga NAGPUPUMILIT na idismiss na ang quo
warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, o HINUHUSGAHAN
AGAD ito na illegal.
Kasing-linaw ng sikat ng Araw na nakalagay sa
Constitution na ang SC ang final arbiter/interpreter ng batas. WALA NANG IBA,
ahensiya man o sangay (branch) ng gobyerno.
Kung wala rin lang mailalabas na batas WALANG
KARAPATAN ANG SINUMAN, MORAL MAN O LEGAL, na agad na sabihing ILEGAL ang
anumang ginagawa ng SC. Pati na ang magiging resulta nito. Kaya’t para IPAGPILITAN , AGAD, ninuman na
ibasura na ang quo warranto laban kayt
Sereno at ipaubaya na lang ito sa Senado
ay LANTARANG PAMBABALE-WALA sa SC at PAMBABASTOS sa Constitution na OBLIGADONG
SUNDIN NG LAHAT. Walang exemptions.
Hindi ko sinasabing guilty si Sereno. Ang
punto ko, IGALANG NATING LAHAT ang proseso, ang batas at ang Constitution.
Hindi iyong BIGLANG NAGKALAT ANG MGA INSTANT JUDGE O JUSTICE NA PORKE AYAW NILA
ang quo waranto petition ay SINTENSIYADO na agad nila na mali ito at umaabuso
ang SC.
Kung WALA kayong balak na igalang ng SC at ang Constitution, SIGURADUHIN LANG
NINYO na hindi kayo MAGTATAGO/MAGLALAHO na parang bula oras na magbabangga na
kayo at ang mga sumusunod. sa Batas. Baka puro DALDAL at PORMA LANG KAYO.
Panghuli: Paalala lang sa lahat: - ANG PUNTO
NG QUO WARRANTO PETITION ay ang KAKULANGAN NG REQUIREMENTS ni Sereno para
maging Chief Justice. At hindi ang mga pinaggagawa niya bilang Chief Justice,
na siyang nagging basehan naman ng impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon.
30
No comments:
Post a Comment