Monday, May 21, 2018

SUMISIKIP NA MUNDO NG LP!



SUMISIKIP NA TALAGA ang mundo ng Liberal Party (LP)!

HINDI NA Senate President ang kandidato nila noong 2016 na si Koko Pimentel. Isa na namang KAKAMPI NILA, sa isa sa pinakamataas na posisyon sa bansa, ang naalis sa puwesto. Ibig sabihin, hindi na maiimpluwensiyahan o makakatulong ng MALAKI si Koko sa ANUMANG isulong na hakbang o magiging problema para sa LP sa Senado. Lalo pa’t ang pumalit kay Koko, si Sen. Tito Sotto, ay HINDI NILA KAALYADO.

Bale sa Senado at Korte Suprema na nawalan ng pinaka-mataas na kasangga ang LP. At hindi rin sila kakampi ng administrasyon. Kaya WATCH OUT, mga kababayan!

Tiyak na GAGAWA AT GAGAWA NG GIMMICK ang LP para MAPANSIN at harinawa, makakuha ng SIMPATIYA o paghanga sa taumbayan para sa eleksiyon sa susunod na taon. Lahat ng maisip nila – batikos, akusasyon, expose kuno at iba pa.

Kaya anuman ang manggaling sa LP mula ngayon, hanapan muna ng PISIKAL NA EBIDENSIYA/PRUWEBA, AT DETALYE gaya ng mga pangalan, petsa, lugar, halagang invoilved at sistema  kung pano isingawa ang sasabihin nila. Kahit samahan pa nila ng anumang drama, tulad ng mga umiiyak na biktima kuno. O kaya ay SUNUD-SUNOD o araw-araw na press release ang gawin nila. Hindi porke sila ang nagsabi, o araw-araw ay nasa media, ay totoo na.

HUWAG PALOLOKJO, mga kababayan.30   



4 comments:

  1. Mag plaza Miranda bombing na Lang sila hehehe

    ReplyDelete
  2. Kailangan may mamatay na asawa para kaawaan ng tao. Tulad ni Cory,LeniLugaw,Panot

    ReplyDelete
  3. Kailangan may mamatay na asawa para kaawaan ng tao Tulad ni Cory , LeniLugaw, Panot

    ReplyDelete