Sunday, May 27, 2018

BINABAON NA SA LIMOT ANG SMARTMATIC!

Image result for images for smartmatic
MARLON GARCIA  OF SMARTMATIC

Kung napapansin ninyo, mga kababayan, BINABAON NA SA LIMOT ang naging PAPEL ng Smartmatic sa mga KABABALAGHANG PINAGGAGAWA NILA noong 2016 elections.

Tulad ng INAMIN nilang pagbabago ng WALANG PAALAM sa script ng transparency server noong bilangan na ng mga boto, ang INAMIN DIN NILANG PAGGAMIT ng iba pang server na HINDI NILA IPINAALAM sa Comelec at ang HNDI INAASAHANG pagpapalit nila ng server noong kinabukasan na ng madaling araw pagkatapos ng eleksiyon.

KAHIT MINSAN, HINDI PINARUSAHAN ng Comelec ang Smartmatic sa ANUMANG PARAAN dahil sa mga ito. Walang nabalitang kaso o multa kahit kalian na ipinataw ang Comelec laban sa Smartmatic. Sa halip, kinumpleto pa ang bayad sa naturang kompanya. Bayad MULA SA BUWIS NATING SAMBAYANAN na mukang NATARANTADO ng naturang kompanya noong 2016 election.

At ang matindi, mga kababayan, WALA NANG NAGBABANGGIT man lamang sa Smartmatic at sa mga PINAGGAGAWA NITO. As in WALA, KAHIT ISA. Maliwanag na ang  pakay ay para MALIMUTAN NA NATIN ang Smartmatic at ang katarantaduhan nito.

Kaya ang sinumang WALANG SILBING NANGANGATOG SA TAKOT sa Smartmatic, tablan naman na kayo ng KAHIT GA-PATAK na kahihyan (iyon ay kung meron pa kayo) at kumilos na, o magsalita man lamang. Kung ayaw ninyo, LUMAYAS NA KAYO sa anumang kinalalagyan ninyo. TOTOO ANG KARMA. Tandaan ninyo.

Also, guys, I have started sharing music videos on my page ForumPhilippines. There are now 9 videos which you can check out, along with my other blogs. I will be doing it regularly, with a variety of music from the 50’s to the 80’s. Thanks, always. 30



No comments:

Post a Comment