Monday, May 21, 2018

PATI SI LENI, DAPAT MAGPALIWANAG!


Image result for images for leni robredo

Sa isang post ni election expert at lawyer Glenn Chong, pinagpaliwanag ngayon ng PET (Presidential Electoral Tribunal (PET) ang ilang municipal treasurers ng Camarines Sur kung bakit may mga basa at sirang balota sa loob ng ballot boxes habang ang mga ito ay nasa kanilang custody o pangangalaga. Pinagpaliwanag ng PET ang mga municipal treasurers ng Bato, Sagñay, Garchitorena at Ocampo.

Ito naman ang sa akin: Dapat pati si Leni Robredo, PAGPALIWANAGIN  na rin ng PET!

Narito ang ilang bahagi ng post ni Atty. Glenn: Nakalista ang ilang incident reports mula April 2 hanggang April 17, ilang ballot boxes ay binuksang muli matapos ito sinilyuhan. Ang isang ballot box mula sa Sagñay ay binuksang muli at hindi na ibinalik ang nasirang security seal. Basa ang mga lamang balota. Ito ay palatandaan ng post-election tampering ng mga laman ng ballot box. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinumpirma mismo ng PET ang mga basa at maduming mga balota na nakita sa maraming ballot boxes mula sa Camarines Sur. It is interesting to note na sa bayan ng Ragay, at least may 1 presinto mula rito ang nagtransmit ng resulta 1 araw bago magbukas ang mga presinto para sa halalan (May 8, 2016 at 8:40AM).

More or less, 1 sa bawat 3 ballot boxes sa Camarines Sur ang walang voter receipts. Marami pang ballot boxes ang walang Election Returns at wala rin ang Minutes of Voting. Habang sa bayan ng Milaor, at least 3 ballot boxes ang naglalaman ng election materials mula sa ibang presinto o ballot boxes. Partial lamang ang ipinalabas ng PET na kautusang magpaliwanag. Ang mga Incident Reports na naitala simula April 18 hanggang ngayon sa mga ballot boxes mula sa Buhi, Canaman, Milaor, Sipocot at iba pa ay hindi pa natalakay ng PET.

Ito naman ang akin: Teritoryo ni Leni ang Camarines Sur. MALAWAKAN ang ANOMALYA AT PANDARAYA na nadiskubre. Pero pinagddiinan ni Leni na malinis ang panalo niya. Kaya unang tanong: MAY GINAWA na ba siyang sariling imbestigasyon o anumang aksiyon para malaman ang katotohanan sa mga KRIMINAL NA PANGYAYARING ITO mula’t sapul? Kung meron ay ano at ano ang resulta? Kung wala ay bakit hindi siya kumikilos, kung talagang wala siyang alam sa anumang dayaan?  IMPOSIBLENG WALANG NAKARATING na report kay Leni ng mga dayaan at anomalya noong 2016 elections at pagkatapos nito. Teritoryo niya ang Camarines Sur.

Kilala ang mga bayan kung saan may nadiskubreng pandaraya o anomalya sa eleksiyon. Natural na may listahan si Leni ng mga tao niya na naka-assign sa mga  iyon. May kinuwesitiyon na ba siya KAHIT ISA sa mga ito? Kung meron ay ano ang pangalan at ano ang deklarasyon sa kan iya? Kung wala ay bakit AYAW NIYANG MAGUSISA? Ano ang plano niyang gawin sa mga nadiskubreng dayaan at anomalya, para patunayang wala siyang kinalaman sa mga ito? Kung wala siyang balak ay bakit?

Doblehin natin ang pagbabantay, mga kababayan.  MAGKAKAALAMAN NA  kung sino ang tunay na nanalo at sino ang mandaraya! 30

No comments:

Post a Comment