Friday, May 11, 2018

SI CORONA LANG BA PUWEDENG TANGGALIN?



Sa mga WALANG TIGIL sa pagdaldal ngayon na violation of the Constitution ang pagkakatanggal kay Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice:

AMINADO si Sereno na KULANG ANG BILANG ng mga statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na naisubmit niya bilang requirement para maging Chief Justice. At WALA rin siyang naipakitang dokumento na exempted siya sa requirement na iyon. Para sa anumang posisyon, HINDI DAPAT MA-APPOINT ang sinuman kung KULANG ang kaniyang requirements. Pero ginawa pa rin siyang Chief Justice ni noo’y Pangulo Noynoy Aquino. At WALANG SINUMANG KUMONTRA sa inyo.

Ngayong nasilip ni Solicitor General Jose Calida, at kinalaunan ng Korte Suprema, ang kakulangan na iyon ni Sereno, sabay-sabay kayong nagpuputakan na Korte Suprema pa ngayon ang masama, ang lumabag sa Constitution.

Si dating Chief Justice Renato Corona, tinanggal matapos ang kaniyang impeachment trial dahil sa kwestyonableng deklarasyon sa kaniyang SALN. Pinuna ni noo’y impeachment court judge at Sen. Joker Arroyo na HINDI NAMAN IMPEACHABLE OFFENSE ANG MISDECLARATION  Hindi ito nakontra ng sinumang senador/impeachment court judge pero sibak pa rin si Corona. AT WALANG SINUMANG NAGTANGGOL sa inyo kay Rene, o bumatikos sa Senate Impeachment Court.

Iyong UMAMIN SA PAGKAKAMALI/KASALANAN, parang MARTIR ngayon kung ipagtanggol ninyo. Pero si Corona, na ang naging basehan sa pagkakaalis bilang Chief Justice ay HINDI NAMAN impeachable, TAHIMIK KAYO. Mistulang mga bulag at bingi na walang nakita/narinig.

Ano ba meron kay Sereno, at NAPAKA-ESPESYAL naman yata niya? 30



No comments:

Post a Comment