Thursday, May 31, 2018

DUTERTE BINALE-WALA NG VP RECOUNT!


Image result for images for rodrigo duterte with bongbong marcos and leni robredo

Pati si Pangulong Digong Duterte, BINALE-WALA ng mga nagpapatakbo ng recount ng mga botong sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo para sa pagka vice-president.

Pang-apat na araw na ngayon mula nang itanong ni Digong sa isang speech sa isang pagtitipon kung ano na ba ang nangyayari sa recount. Tulad ng alam na nating lahat, mga kababayan, TOTAL NEWS BLACKOUT ANG PINAIIRAL HANGGANG NGAYON ng mga namamahala sa recount.

Bago ko sinulat ito, pinasadahan ko ang mga news websites, lalo pa ng mga  nangunguna sa  industriya.  NI ISANG SALITA, WALANG SAGOT ang sinumang opisyal ng recount. As in NONE. Itama ako ninuman kung mali ako.

Lahat ng nangyayari sa recount ay naka-record dapat. Kung sinusunod ito, DAPAT WALANG PROBLEMA para sa mga namamahala ng recount na agad na magbigay ng detalye sa Pangulo. AGAD-AGAD. Pero kahit ang Malacanang, walang iniuulat sa publiko na nasagot na ang tanong ni Digong.

Hindi OPISYAL O IN WRITING ang tanong ni Digong, totoo. Pero SIYA ANG PANGULO NG BANSA. Ang sinumang may MATINONG PAGIISIP at MALINIS NA KONSIYENSIYA ay hindi babale-walain kailanman ang Pangulo ng bansa, SA ANUMANG BAGAY.

Tanging ang gumagawa lamang ng KATARANTADUHAN, SUPER-BIGAT NA KATARANTADUHAN, ang lantarang hindi papansin sa Pangulo ng bansa. At tandaan natin, mga kababayan, HANGGGANG NGAYON ay walang matibay na paliwanag na maibigay ang mga namamahala sa recount kung bakit HINDI DAPAT MALAMAN NG SAMBAYANAN ang mga nagaganap doon. Walang makapag-justify kung bakit sila-sila lang ang dapat makaalam.  
                                                           ***
Now on my forumphilippines page – videos of Till There Was You by The Beatles, Living Inside Your Love by Earl Klugh, Up, Up and Away by The 5th Dimension  and Rise by Herb Alpert. Check them out, please, with the rest of my blogs.Thanks.





1 comment:

  1. Gumagapang ng husto ang pera ng yellow oligarchs kaya tumatagal ang recount!

    ReplyDelete