Monday, May 7, 2018

ANO BA ITINATAGO NINYO SA RECOUNT?

Image result for images for recount area of bongbong marcos protest

Tuloy pa rin ang news blackout sa mga nangyayari araw-araw sa recount ng mga balotang sakop ng protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo. Kaya lalong umiinit ang pangamba ng karamihan na may ITINATAGO O GUSTONG ITAGO ang mga recount officials sa taumbayan.

Dahil WALA din naman silang masabing VALID O JUSTIFIABLE na dahilan para sa news blackout.

BOTO NG TAUMBAYAN ang pinaguusapan sa recount. Tapos AYAW NINYONG IPAALAM sa taumbayan kung ano ang nangyari sa boto nila Anong KATARANTADUHAN iyan? Samantalang sunud-sunod na ang DAYAANG NABISTO sa mga balota at ballot box mula sa Camarines Sur. Na ang iba ay LANTARANG PABOR kay Leni, at HINDI NAMAN NINYO MASABING HINDI TOTOO. WALA ring nairereport sa media na INAKSIYUNAN na ninyo kahit paano.

Kaya BAKIT KAILANGANG KAYO-KAYO lang ang makaalam ng nangyayari araw-araw sa recount? Lalo pa kung may bagong PANDARAYA O ANOMALYA na mabubuko?

Dahil sa news blackout ninyo, WALANG GARANTIYA ANG SAMBAYANAN NA WALA nang nadidiskubreng pandaraya pa. At HINDI PA NAGKAKA-AREGLUHAN o nareremdyuhan na ang mga naunang nabisto. Sa medaling salita, WALANG KASEGURUHAN ang samabayan na HINDI NA NAGKAKADAYAAN  diyan sa recount o walang kasabwat sa inyo ang mga mandaraya.

Kung walang KAWALANGHIYAAN sa likoid ng news blackout ninyo, WALANG MATINONG DAHILAN para ipagpatuloy ninyo ito. Kung meron naman, ASAHAN NINYONG KAYO ANG UNANG-UNANG PATATAHIMIKIN NG TULUYAN pagkatapos ng lahat, para matiyak na HINDI KAYO MAKAPAGSASALITA. 30







1 comment:

  1. Bakit?? hindi ba umiiral na ang batas FOI o "Freedom of Information",Executive order no.2,,Sa palagay ko,,walang "banta sa seguridad ng bansa kung ihayag ng PET ang mga nangyayari sa revision o recount ng mga boto,,Nakakapag-hinala na tuloy na baka may "hocus-pocus" na naman na mangyari,,huwag naman sana,,,,,

    ReplyDelete