To those who won’t stop threatening the eight
Supreme Court (SC) justices who voted to REMOVE Maria Lourdes Sereno as Chief
Justice:
GAWIN NINYO, SIGE! Para MAPABILIS ang PAGDESISYON
sa protesta ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo. At MASIMULAN NANG
DINGGGIN ang mga kaso laban kay Noynoy Aquino. Paano?
Oras na ireklamo ninyo ng impeachment ang 8
anti-Sereno justices, may dahilan na ang mga supporter nila para IPA-IMPEACH
DIN ang 6 na pro-Sereno justices. Kabilang sa 6 na pro-Sereno ang supervising
justice para sa protesta ni Bongbong na si Alfredo Benjamin Caguioa. Hindi ko
kabisado ang regulasyon kaya’t itama ako ninuman kung mali ako: Kapag lahat ng
natitirang SC justice ay may kinakaharap ng impeachment, darating ang punto na
kailangan nilang boluntaryong magbakasyon o mapalitan PANSAMANTALA. Kaya
MAWAWALA si Caguioa sa protesta ni Bongbong laban kay Leni, pati na ang MABAGAL
PA SA PAGONG na pagpapatakbo niya sa naturang usapin at ang NEWS BLACKOUT sa
news recount..
At ang TANGING MAY KAPANGYARIHAN para
magappoint ng Supreme Court justice ay si PANGULONG DIGONG DUTERTE. WALA NG
IBA. HINDi si Noynoy. Hindi si Serreno.
Kapag PURO APPOINTEES na ni Digong ang LAHAT
ng SC justices, WALA ng tatanaw ng utang na loob kay Noynoy o kay Sereno. Ang
laban na ni Digong kontra corruption at lahat ng uri ng KAWALANGHIYAAN ang
masusunod. WALA nang maaaring pumoprotekta kay Noynoy at Sereno.
Kaya kung talagang matatapang kayo tulad ng
pagdaldal ninyo, KAHIT BUKAS, SIMULAN NA NINYO. Ipaimpeach ninyo ang 8 anti-Sereno
justices. Para MAGKAALAMAN NA kung sino ang TUNAY NA MANDARAYA AT TUNAY NA
KURAKOT.30
No comments:
Post a Comment