Sunday, May 13, 2018

SUPALPAL NA NAMAN SI ROBREDO!


Philippine Vice President Leni Robredo speaks during a press conference in Quezon City, the Philippines, on Dec. 5, 2016

 PAHIYA, SUPALPAL na naman si Leni Robredo!

Nang matanggal si Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice noong Biyernes, ito ang naging panawagan ni Leni: “I ask the Filipino people to join me in utmost vigilance as the rest of these developments unfold, and to add their voice as we defend our judicial system, our Constitution and ultimately, our democracy.”

Hanggang ngayon, KAHIT ISANG GRUPONG NEUTRAL o hindi kilalang kakampi nilang mga nasa Liberal Party ay WALANG NABABALITANG SUMAMA na sa kaniya.  WALANG SINUMANG NAGPAHAYAG na, sa anumang paraan, na nasa likod sila ni Leni. At sa anumang gawing kilos nito bilang suporta kay Sereno.  Itama ako ninuman kung mali ako.

Kaya ang tanong: NASAAN ANG MAHIGIT 14 MILYON KUNO na bumoto sa kaniya sa pagka bise-presidente? Tukad ng sinulat ko sa isang naun kong blog, sa SARILING PROBINSIYA NIYA nga na Camarines Sur, KINAILANGAN PANG MAY MANDAYA para lang manalo siya doon kuno laban kay Bongbong Marcos.

Nagyabang pa si Leni na “As the second highest official in the land, let me assure you: The fight is not yet over.” May nabalitaan na ba kayong anumang ginawa niya bilang patunay na hindi pa tapos ang laban kuno? Ako, WALA.  Puro DALDAL LAMANG si Leni.

Uulitin ko, itama ako ninuman kung mali ako. 30

No comments:

Post a Comment