Friday, August 24, 2018

WOW, UNTOUCHABLE ANG BAYAW NI LENI!


Image result for images for leni robredo

UNTOUCHABLE ANG BAYAW ni Leni Robredo na si Butch Robredo na harapang inakusahan kamakalawa ng isang dating konsehal ng Naga City bilang protektor ng illegal na droga sa naturang lungsod.

Pinasadahan ko ang mga nangungunang news websites bago ko sinulat ang blog na ito. WALANG FOLLOW-UP STORY KAHIT ISA.  May mga tao sa probinsiya ang mga media companies na  puwedeng pumunta sa pamilya o nung Butch para kunin ang panig ng mga ito. O kaya ay magimbestiga sa mismong mga taga-Naga City. Pero WALANG GUMAWA NG ISTORYA.

Dito sa Metro Manila, maaari ring patingnan ang mga record sa PNP o iba pang ahensiya ng gobyerno kung may mga report na ba tungkol kay Butch kaugnay ng illegal na droga bilang follow-up. WALA rin.

Sa Senado naman o House of Representatives, WALA RIN NI ISA na nagtatawag ng AGARANG IMBESTIGASYON. Kahit na proteksiyon sa   isang KADEMONYUHAN ang isyu. Pero kakulangan o shortage lamang ng bigas sa Zambaonga o ang pagsadsad ng isang jet ng Xiamen Airlines sa NAIA runway kamakailan ay naguunahan ang mga humihingi ng AGARANG IMBESTIGASYON.  At LABAS AGAD sa media ang mga ito.

Mga pari at madre, na DAPAT ay mangungunang kumontra sa lahat ng uri ng kasamaan, WALA rin ni isang salita para sa agad na PAGSISIYASAT. Gayundin ang mga kontra-korapsiyon o katiwalian kuno. Lahat, mga mas TAHIMIK PA SA SEMENTERYO.

Lahat, biglang naging bulag, pipi o bingi. ANO MERON, mga sir/madam?30

No comments:

Post a Comment